Sharon at Robin, balik-tambalan sa GMA Films
April 2, 2007 | 12:00am
Palaki nang palaki ang mga pelikulang gina gawa ng GMA Films dahil after Ouija nina Judy Ann Santos at Jolina Magdangal, ang balik-tambalan naman nina Sharon Cuneta at Robin Padilla ang ipo-produce ng movie company. Ayaw pa lang sabihin kung anong klaseng project ito, pero dahil si mega ang kapareha, sinira ng actor ang minsang ipinahayag na sa ibang film company muna siya gagawa ng pelikula para ‘di sunud-sunod ang project niya sa GMA Films.
Ngayon lang uli magtatambal sina Sharon at Robin after the blockbuster Maging Sino Ka Man at mula noon, marami na ang naghintay ng kanilang project na never nangyari. Masaya tiyak ang shooting nito’t mauuso uli ang tawag na "ma’am" ni Robin kay Sharon.
Heto pa ang balita, si Joey Reyes ang magdidirek ng pelikula nina Sharon at Robin at first time ito ni direk sa GMA Films. Wala pang definite schedule ng shooting, pero dapat daw after Asian Treasures nina Robin at Angel Locsin.
Pati si LJ Reyes, nagulat sa pagkaka-link niya kay Oyo Boy Sotto. Inisip nitong dahil nagkasama sila sa Makita Ka Lang Muli ng TAPE, kaya sila na-link, pero matagal ng tapos ang afternoon soap at saka pa sila natsismis.
Pinagtawanan din nito ang tsikang nakita silang magkasama sa Baguio dahil never ‘yun nangyari. "Wala talaga," ang paulit-ulit nitong sagot sa tanong namin at nakulitan na nga yata. May ibang nakitang kasama si LJ sa Baguio, pero dahil ayaw ipabanggit ang pangalan, ‘di namin isinulat. Ayaw niya, ‘di wag!
Biglang nawala si LJ after the general presscon of Lupin at ‘di na namin nakausap. Hindi namin alam kung iniwasang mausisa sa kanila ni Oyo o doon sa isang ayaw magpabanggit ng name. Naipaalam lang nitong role ni Elaine na best friend ni Rhian Ramos ang ginagampanan niya sa bagong serye ng GMA-7 na magsisimula sa April 9.
May outing sa Holy Week sina Rachelle Ann Go at ang pamilya nito sa Batangas. In-invite nito ang boyfriend na si Christian Bautista na sa nasabing probinsiya rin pupunta with his family, kaya magkikita pa rin sila.
Sa April 9, aalis sina Rachelle at Christian for a series of shows sa US na magsisimula sa San Diego sa Apr. 13 at magtatapos sa Apr. 21 sa Las Vegas. Hindi takot ang dalaga na pasukan ng sawa factor ang relasyon nila dahil madalas na hindi sila nagkakasama’t pare-parehong busy. Ang shows together ang pambawi nila sa mga araw na ‘di sila nagkikita.
One year na noong February ang relasyon nila at inamin ni Rachelle na mahal na mahal niya ang bf. Sa scale na one to 10, nine percent ang love niya sa binata dahil ang one percent ay para sa kanyang sarili.
Magtatambal sa Regal movie sina Rachelle at Christian. "Hindi ko alam," ang sagot nito kung bakit sa Regal at ‘di sa Star Cinema at Viva Films ang first movie nila together. Ganu’n din ang sagot nito sa tanong kung ano ang nangyari sa planned TV show nila sa Studio 23.
Hanggang April 8 na lang pala ang S Files at sa Apr. 15, magpa-pilot ang bagong showbiz oriented show ng GMA-7. Tila Showbiz Central ang title nito at kabilang sa hosts sina Pia Guanio at John Lapus. May sariling segment si Mo Twister na sabi’y TV version ng 40 Forbidden Questions na ginagawa niya sa radio.
Bibigyan daw ng bagong show sina Paolo Bediones at Joey Marquez na maaalis na hosts ng S Files. Ang huli’y may Fantastic Man at Who’s Your Daddy na papalit sa Lagot Ka, Isusumbong Kita.
Magpapaka-senti ang Moms this Monday sa episode nilang Noong Araw dahil ang sinasabing golden era ang pag-uusapan. Guests sina Pilita Corrales, Yoyoy Villame, Palito at Delia Razon na magkukwento ng magandang nakaraan.
Sa QTV 11, Monday to Friday, 5:30 p.m., napapanood ang Moms na iba’t ibang topic ang pinag-uusapan. Nakakaaliw at maraming nadidiskubre ang viewers.
Ngayon lang uli magtatambal sina Sharon at Robin after the blockbuster Maging Sino Ka Man at mula noon, marami na ang naghintay ng kanilang project na never nangyari. Masaya tiyak ang shooting nito’t mauuso uli ang tawag na "ma’am" ni Robin kay Sharon.
Heto pa ang balita, si Joey Reyes ang magdidirek ng pelikula nina Sharon at Robin at first time ito ni direk sa GMA Films. Wala pang definite schedule ng shooting, pero dapat daw after Asian Treasures nina Robin at Angel Locsin.
Pinagtawanan din nito ang tsikang nakita silang magkasama sa Baguio dahil never ‘yun nangyari. "Wala talaga," ang paulit-ulit nitong sagot sa tanong namin at nakulitan na nga yata. May ibang nakitang kasama si LJ sa Baguio, pero dahil ayaw ipabanggit ang pangalan, ‘di namin isinulat. Ayaw niya, ‘di wag!
Biglang nawala si LJ after the general presscon of Lupin at ‘di na namin nakausap. Hindi namin alam kung iniwasang mausisa sa kanila ni Oyo o doon sa isang ayaw magpabanggit ng name. Naipaalam lang nitong role ni Elaine na best friend ni Rhian Ramos ang ginagampanan niya sa bagong serye ng GMA-7 na magsisimula sa April 9.
Sa April 9, aalis sina Rachelle at Christian for a series of shows sa US na magsisimula sa San Diego sa Apr. 13 at magtatapos sa Apr. 21 sa Las Vegas. Hindi takot ang dalaga na pasukan ng sawa factor ang relasyon nila dahil madalas na hindi sila nagkakasama’t pare-parehong busy. Ang shows together ang pambawi nila sa mga araw na ‘di sila nagkikita.
One year na noong February ang relasyon nila at inamin ni Rachelle na mahal na mahal niya ang bf. Sa scale na one to 10, nine percent ang love niya sa binata dahil ang one percent ay para sa kanyang sarili.
Magtatambal sa Regal movie sina Rachelle at Christian. "Hindi ko alam," ang sagot nito kung bakit sa Regal at ‘di sa Star Cinema at Viva Films ang first movie nila together. Ganu’n din ang sagot nito sa tanong kung ano ang nangyari sa planned TV show nila sa Studio 23.
Bibigyan daw ng bagong show sina Paolo Bediones at Joey Marquez na maaalis na hosts ng S Files. Ang huli’y may Fantastic Man at Who’s Your Daddy na papalit sa Lagot Ka, Isusumbong Kita.
Sa QTV 11, Monday to Friday, 5:30 p.m., napapanood ang Moms na iba’t ibang topic ang pinag-uusapan. Nakakaaliw at maraming nadidiskubre ang viewers.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended