Ipinangangalandakan na ang pagpaparetoke ngayon!
March 30, 2007 | 12:00am
Kahapon ang deadline ng mga kandidato na tatakbo sa mga local positions kaya maraming naglitawan sa Comelec para humabol.
Nung nakaraang Lunes ng umaga, isang buwan bago ang kanyang ika-38 taon na kaarawan ay nag-file ng kanyang kandidatura sa pagka-kongresista sa ikalawang distrito ng Pampanga sa ikalawang pagkakataon ang actor-politician na si Mikey Arroyo.
Ang ikalawang distrito ng Pampanga na nasasakupan ni Cong. Mikey Arroyo ay binubuo ng Sasmoan, Sta. Rita, Lubao, Porac, Floridablanca at Guagua.
Samantala, kahit pinasok na ni Mikey ang pulitika, hindi pa rin nito tuluyang tatalikuran ang showbiz kung saan siya nagsimula.
Magtatapos na ngayong Biyernes ang top-rating teleserye ng GMA-7, ang Bakekang na pinagbibidahan ni Sunshine Dizon, ang kuwento ng pinaka-pangit na bida sa telebisyon.
Ngunit malupit pa rin ang tadhana para kay Bakekang hanggang sa huling sandali. Mapipilitan pa rin sina Kristal (Lovi Poe) at Karisma (Yasmien Kurdi) na magtuos sa isang showdown dahil ipinadukot ni Valeria (Sheryl Cruz) ang kanilang ina. Makakatakas si Bakekang at makakarating sa showdown ng mga anak kung saan isang madamdaming tagpo ang magaganap.
Sa kalagitnaan ng pagtatagpo ng mag-iina ay may babarilin sa kanila si Valeria. Sino kaya ang tinamaan ng bala ni Valeria? Malalaman ngayong gabi sa GMA-7.
Magiging kapalit naman nito ang Lupin, bida si Richard Gutierrez na magsisimula mapanood sa Abril 9.
Dati-rati’y inililihim ng mga celebrities ang pagpapa-retoke ng iba’t ibang parte ng kanilang mukha at katawan pero ngayon ay kulang na lamang itong ipangalandakan nila.
Noon kahit totoo ay nagdi-deny ang celebrity na sumailalim ng beauty enhancement pero ngayon sila pa mismo ang nagsasabi at umaamin.
Kung noo’y breast ugmentation at nose jobs lamang ang uso, ngayon halos lahat na- pagpapadagdag ng puwet, pagbabawas ng taba at bilbil, pagpapatanggal ng line marks, pagpapa-lipo at kung anu-ano pa. Pati ang pagtanda ngayon ng tao ay nadi-delay dahil na rin sa makabagong siyensiya. Of course, nagiging posible lamang ito sa may mga pera o di kaya sa pamamagitan ng sponsorship ng mga kilalang doctor.
<[email protected]>
Nung nakaraang Lunes ng umaga, isang buwan bago ang kanyang ika-38 taon na kaarawan ay nag-file ng kanyang kandidatura sa pagka-kongresista sa ikalawang distrito ng Pampanga sa ikalawang pagkakataon ang actor-politician na si Mikey Arroyo.
Ang ikalawang distrito ng Pampanga na nasasakupan ni Cong. Mikey Arroyo ay binubuo ng Sasmoan, Sta. Rita, Lubao, Porac, Floridablanca at Guagua.
Samantala, kahit pinasok na ni Mikey ang pulitika, hindi pa rin nito tuluyang tatalikuran ang showbiz kung saan siya nagsimula.
Ngunit malupit pa rin ang tadhana para kay Bakekang hanggang sa huling sandali. Mapipilitan pa rin sina Kristal (Lovi Poe) at Karisma (Yasmien Kurdi) na magtuos sa isang showdown dahil ipinadukot ni Valeria (Sheryl Cruz) ang kanilang ina. Makakatakas si Bakekang at makakarating sa showdown ng mga anak kung saan isang madamdaming tagpo ang magaganap.
Sa kalagitnaan ng pagtatagpo ng mag-iina ay may babarilin sa kanila si Valeria. Sino kaya ang tinamaan ng bala ni Valeria? Malalaman ngayong gabi sa GMA-7.
Magiging kapalit naman nito ang Lupin, bida si Richard Gutierrez na magsisimula mapanood sa Abril 9.
Noon kahit totoo ay nagdi-deny ang celebrity na sumailalim ng beauty enhancement pero ngayon sila pa mismo ang nagsasabi at umaamin.
Kung noo’y breast ugmentation at nose jobs lamang ang uso, ngayon halos lahat na- pagpapadagdag ng puwet, pagbabawas ng taba at bilbil, pagpapatanggal ng line marks, pagpapa-lipo at kung anu-ano pa. Pati ang pagtanda ngayon ng tao ay nadi-delay dahil na rin sa makabagong siyensiya. Of course, nagiging posible lamang ito sa may mga pera o di kaya sa pamamagitan ng sponsorship ng mga kilalang doctor.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended