^

PSN Showbiz

Paiba-iba ng sinasabi si Diether

-
Ngayong araw ay nasa Subic ang live episode ng ASAP ’07 na may titulong ASAP Extravaganza para sa kick-off summer ng ABS-CBN summer station ID na may titulong ‘Araw Natin ‘To’ campaign.

Launching din ng apat na bagong programa ng Dos sa pangunguna ng April episode ng Love Spell nina Zanjoe Marudo, Toni Gonzaga at Empress Schuck; Hiram Na Mukha ni Heart Evangelista; Walang Kapalit nina Diether Ocampo at Claudine Barretto at ang Rounin’ with the all star cast.

Samantala, nahihilo naman ang buong staff ng nasabing noontime show sa rami ng mga artistang bitbit nila this Sunday dahil, "Feeling namin, buong talents ng Dos at Star Magic ay nasa Subic ngayon."
* * *
Naguluhan ang ilang entertainment media na nag-interview kay Diether Ocampo sa press launch ng Rounin dahil iba-iba ang mga pinagsasabi nito tungkol sa real score nila ni Kristine Hermosa.

Sa interbyu ng katotong Morly Alinio ay umamin ang aktor na matagal na silang break ni Tintin at maganda raw ang usapan nila na friends pa rin sila at pareho na silang malaya at puwedeng magpaligaw sa iba ang aktres at gayundin ang aktor na puwedeng manligaw na rin sa iba.

Ang nakakalokang parte nung turn na naming mag-interview sa pinaka-bida ng Rounin na si Cadmus ay, "Okey kami, kasi we’re both busy at saka dapat naming pagtuunan ng pansin ang careers namin at saka gusto kasi niya ay liligawan ko uli siya, e, hindi ko naman magawa kasi busy din ako, wala na akong time sa sarili ko, dahil sa trabaho plus busy din ako sa KIDS Foundation."

E, bago pa magpa-presscon ang Love Spell episode ng dalawa ay break na sila, pero hindi naman nila maamin at sa Palimos Ng Pag-Ibig press launch ay sweety-sweety na naman sila?

Hayan sa katatakip ng mga nangyari at pangyayari, nag-iiba-iba tuloy ang statement ni Diether. – REGGEE BONOAN

ARAW NATIN

CLAUDINE BARRETTO

DIETHER OCAMPO

EMPRESS SCHUCK

LOVE SPELL

ROUNIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with