Singing contest para sa tricycle drivers
March 25, 2007 | 12:00am
Kakaibang singing contest ang napanood namin noong isang Linggo, na ginanap sa Quezon City Performing Arts Theater, likod ng Amoranto Stadium.
Tinawag na Toda Kantahan, at pakulo ni Konsehal Atty. Ariel Inton ng ika-4 na Distrito ng QC, 30 mahuhusay na mang-aawit ang naging finalists sa timpalak. Sila ang mga nagwagi, sa kani-kanilang barangay, distrito at asosasyon ng mga tricycle drivers/operators. Bago ang grand finals noong gabing iyon, dumaan pa sila sa mga elimination rounds.
Bigatin ang mga premyo sa timpalak. Bukod sa mga cash prize, meron pang four-year scholarship sa PSBA ang napiling limang nagwagi.
Kabilang kami sa mga nakumbidang hurado, kasama ang kaibigang Emy Abuan, Robin Robel ng Masculado, FAMAS Vice President Junne Quintana, businesswoman and civic leader Connie, PSBA Dean Dr. Raul Addatu at Eurotel manager Anna Bernardino.
Sa hanay ng mga tricycle drivers, marami pala sa kanila ang mahusay kumanta at pwedeng maging professional singers.
Sayang nga at lima lang sa 29 ang kailangan manalo. Ang tinanghal na kampeon ay si Emerito Macaspac ng Cordillera TODA. Si Elmer Escobido ang second prize at mula siya sa Malaya TODA. Ikatlong pwesto naman ang nakamit ni Ronald Brix Maño ng Coop TODA.
Si Reynaldo Salome ang fourth prize na mula sa Bayani TODA, at si Jun Sta. Ana mula sa Kamuning TODA ang nagwagi ng ika-5 pwesto.
This Sunday, ang Universal Day sa SOP ng GMA 7 na itatanghal sa Marikina Sports Complex.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
January 21, 2025 - 12:00am
January 20, 2025 - 12:00am
January 18, 2025 - 12:00am