^

PSN Showbiz

Nasa mall na si Gary V

- Veronica R. Samio -
Iba na talaga ang panahon ngayon kung dati-rati ay napapanood lamang si Gary Valenciano sa kanyang mga concerts, ngayon live siyang mapapanood sa Robinson’s malls sa buwang ito. Samantalahin dahil ito ay para sa promo lamang ng repackaged edition ng kanyang album na "Relevance" na may karagdagang 2 additional songs, ang new version ng "Sana Maulit Muli" at ang inspirational song na "When I Hear You Çall."

Ang una ay theme song ng isang serye sa ABS CBN at ang ikalawa ay sinulat niya para sa PBB Teen Edition. Nagtataglay din ang album ng music videos ng mga singles at minus ones.

Nasa Robinsons Pioneer siya ngayong hapon at Robinsons Metro East sa Mar. 24. Shows start at 4PM with autograph signing by Gary V after the show.
* * *
Ngayong gabi na ang 23rd Star Awards for Movies na magaganap sa UP Theater at may telecast bukas Mar. 24 sa IBC 13, 10NG-1NU. Prodyus ito ng Starview Prods. sa direction ni Arlene Tolibas. Hosts sina Jericho Rosales– at Heart Evangelista, Dingdong Dantes at Iza Calzado, trivia host si Ryan Agoncillo. Performers naman sina Jed Madela, Frenchie Dy, Gerald Santos, Aicelle Santos, Lovi Poe, Ogie Alcasid Aiai delas Alas at Jaya. Ulirang artista sa taong ito si German "Kuya Germs" Moreno.
* * *
Mapapanood na sa ABC 5 ang mga winning Cinemalaya films nung 2005. Sa Sabado, Mar. 24, 9-10NG, palabas ang Pepot Artista ni Clodual-do del Mundo. Kasama rin sa ipalalabas ang Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros at baka pati na ang mga finalists ng 2006 at 2007.

Period film ang Pepot Artista,_ set in the 70s kung kailan nauso ang mga superstars na iniidolo ng bansa. S-i Pepot ang kumakatawan sa bawat starstruck Pinoy youth na hahamakin lahat matupad lang ang pangarap.
* * *
[email protected]

AICELLE SANTOS

ANG PAGDADALAGA

ARLENE TOLIBAS

DINGDONG DANTES

FRENCHIE DY

PEPOT ARTISTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with