^

PSN Showbiz

Boy Abunda, magbibigay ng scholarship sa mga deserving gay students!

- Veronica R. Samio -
Sa pagitan ng kanyang reklamo sa isang lumabas na artikulo na sinulat ng isang dati niyang itinuturing na kaibigan, nabanggit ni Boy Abunda na plano nila ng kanyang kaibigang si Melo Esguerra ng GMA7 at ilan pang mga kaibigan na magtayo ng isang foundation para makatulong na mabigyan ng edukasyon ang maraming deserving gay students.

Pero, dahilan sa maraming trabaho at may mahabang proseso ang pagtatatag ng isang foundation, kung kaya kahit hindi pa ito naitatatag ay sisimulan na nila ang pagpapaaral sa mga mapipili nilang karapat-dapat na bigyan ng libreng edukasyon at sa katunayan ay mayro’n nang mga napa-graduate ang magaling na TV host pero mas marami pa ang matutulungan niya kung magsasama-sama sila ng kanyang mga kaibigan.

"Siguro mula sa elementarya at hanggang college ay magbibigay kami ng pang-tuition at monthly allowances," ani Boy na hanggang ngayon ay hindi pa rin mapatawad ang itinuturing niyang kaibigan na aniya ay nagsulat ng mga kasinungalingan tungkol sa kanya na kesyo may pinerahan siyang isang pulitiko, humingi siya ng malaking halaga kapalit ng kanyang serbisyo at hindi raw nasiyahan ang pulitiko sa ibinigay niyang serbisyo.

"Ano na ba yung lapitan niya ako para malaman niya ang kwento, kung may katotohanan ito o wala, pero hindi niya ito ginawa at basta na lamang siyang nagsulat ng narinig niya o ipinasulat sa kanya.

"Nasaktan ako dahil akala ko kaibigan ko siya at siniraan niya ako sa kanyang panulat," reklamo ni Boy na nagsabing hindi siya nagtatanim pero nang may magtanong kung papano raw ba kung makipagkasundo sa kanya ang writer, papatawarin ba raw niya?

"Huwag muna ngayon, there has to be retribution, contrition," dagdag pa ng TV host na feeling na talagang nabastos siya.
* * *
Kung sa laban nina Manny Pacquiao at Erik Morales ay ang ABS CBN ang naging dahilan para ito mapanood dito sa atin, sa nalalapit na title fight ni Manny Pacquiao para ipagtanggol ang kanyang Super Featherweight belt kay Jorge Solis ng Mexico sa April 14 sa Alamodome, San Antonio, Texas, magsasanib ng pwersa ang Solar Entertainment at ang GMA7 para madala at mapanood ang laban nila dito sa Pilipinas.

Pinamagatang Blaze of Glory, may simulcast airing ito sa buong Pilipinas simula sa ika-10NU.

Bagaman at paboritong manalo si Pacquiao sa nasabing laban dahil sa kanyang record na 43-3-2 (34 knockouts) kontra sa 32-0-2 (23 knockouts) ni Solis, kinakailangan niyang maghandang mabuti dahilan sa wala pang talo ang nakababatang si Solis.

Bago ang Pacquiao/Solis bout, ang Fil-Am na si Brian Viloria ay lalaban kay Edgar Sosa para naman sa WBC Light Flyweight title at si Jorge Arce vs. Christian Mijares para sa WBC Super Flyweight title.

At kung ayaw n’yong makapanood ng isang laban na pinuputol ng napakaraming komersyal, may mga sinehang magpapalabas ng Pacquiao/Solis Blaze of Glory fight nang walang komersyal.
* * *
Isang bagong game show ang magkatulong na ipoprodyus ng Mojo Pacific Media at ABC5. Ito ang Slingo! at magsisimula ang airing nito sa Marso 24, Sabado, 7-8 NG. Magsisilbing host si Joey de Leon.

Ang Slingo! ay isang interactive gaming at trivia na magbibigay ng pagkakataon sa mga studio contestants at maging sa mga home viewers para manalo ng cash prize at merchandise items sa pamamagitan ng pagsagot ng mga trivia questions and matching Slingo patterns.
* * *
E-mail: [email protected]

ANG SLINGO

ISANG

PACQUIAO

PARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with