^

PSN Showbiz

Sheryl, gusto na rito sa ‘Pinas!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Five years old na si Ashley Nicole, anak nina Sheryl Cruz at Norman Bustos kaya gusto na nila itong masundan. Kaso nang magtungo ang mag-asawa sa Boracay noong nakaraang taon para sa second honeymoon ay di sila nakabuong mag-asawa.

Nasa prep na si Ashley sa St. Paul’s University at marunong nang magsalita ng Tagalog. Kung ang aktres ang masusunod, gusto niyang sa Pilipinas ito lumaki. Kahit si She ay gusto na ring manatili sa bansa dahil maganda naman ang takbo ng kanyang career at hinahangaan ang akting sa Bakekang bilang kontrabida.

Kaso maganda ang trabaho ni Norman sa Amerika at di naman niya ito maiwanan. Tuwing bakasyon na lang makakauwi rito ang asawa niya.

Bumili ng bagong bahay ang magandang aktres para may mauuwian sila sakaling pumunta ng Tate. Magtatapos na ang Bakekang after Holy Week at inamin ni She na mami-miss niya ang soap opera dahil napamahal na silang lahat sa isa’t isa lalo na si Sunshine Dizon na katunggali niya rito.
Dennis, May Bagong Negosyo
Gusto ni Dennis Trillo na magkaroon ng fallback sakaling di na ito aktibo sa showbiz kaya nagtayo siya ng negosyo. Kasama niya ang mga kaibigang sina Katrina Halili, Allan K. Alfred Vargas, Diana Zubiri, itinayo nila ang Barraks sa may Morato.

"Para itong Pier One na tambayan ng magkakabarkada kapag gustong gumimik. Nakatakda kaming magbukas after Holy Week," aniya.

Sa kabilang banda, natupad na rin ang pangarap nitong maging isang recording artist.

Nakalabas na ang kanyang unang CD under Indi Music na pag-aari nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid.
JJ, Sasabak Naman Sa Komedi
Pahinga muna sa sexy movie si Joyce Jimenez at gustong mag-concentrate sa telebisyon. Natutuwa naman ito dahil ngayon ay kasama na siya sa Nuts Entertainment. Pero ayon sa manager nitong si Shirley Kuan, pwede pa ring magpa-sexy si Joyce basta’t matino ang proyekto at magaling ang direktor.

ALFRED VARGAS

ALLAN K

ASHLEY NICOLE

BAKEKANG

DENNIS TRILLO

HOLY WEEK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with