^

PSN Showbiz

Raymond, magkaka-baby na

RATED A - Aster Amoyo -
Masayang ibinalita sa amin ng mag-asawang Raymond at Mia Lauchengco na magkaka-baby na rin sila sa wakas dahil more than two months pregnant ngayon si Mia. Ang magandang balita ay in-announce din mismo ni Raymond sa kanyang concert sa Teatrino (Greenhils, San Juan) nung nakaraang Huwebes (March 15).

Sa kanilang tatlong taong pagsasama bilang mag-asawa ay ngayon lamang sila mabibiyayaan ng kanilang magiging unang supling na nakatakdang isilang sa last part ng Oktubre ng taong kasalukuyan.

Samantala, ang proceeds ng concert ni Raymond sa Teatrino ay mapupunta sa Bagets Foundation na itinatag ng mga Bagets stars na kinabibilangan nina Quezon City vice-mayor Herbert Bautista, William Martinez, Yayo Aquila, Ramon Christopher, Jobell Salvador, Eula Valdez, Chesca Iñigo-Laurel at ni Direk Maryo J. de los Reyes at iba pa. Layunin ng foundation ang matulungan ng mga kabataang scholars sa kanilang pag-aaral. Sa gabi ng concert ni Raymond, ipinakilala ang walong scholars na kasalukuyang nakikinabang ng tulong mula sa Bagets Foundation.
* * *
Ngarag kami nung naka raang Biyernes. Nataon pang nagbakasyon ang aking driver kaya wala akong choice kundi ang ako na mismo ang magmaneho. Kinakailangan kong makarating sa ika-21st anniversary ng Pilipino Star Ngayon (PSN) ng alas-5 ng hapon dahil naatasan kami ni Kuya Germs para mag-host sa programa. Alas-4 ng hapon ng kami ay umalis sa Ortigas Center patungong Port Area, Manila. Inabutan na kami ng traffic sa daan. Pagdating namin ng United Nations Avenue, hindi gumagalaw ang traffic kaya napilitan kaming umikot ng Quirino Avenue. Mas napalayo kami pero di bale dahil umuusad ang traffic. Maya’t maya ay tumatawag sa amin ang associate editor ng PSN na si Salve Asis at tinatanong kami sa aming location. Lalo kaming nati-tense.

"Tita, wala pa rin si Kuya Germs. Sana malapit ka na kasi magsisimula na ang program," anito sa amin.

Mabuti na lamang at umaandar ang traffic sa may Quirino Avenue hanggang makarating kami ng Roxas Boulevard. Pasado alas-singko ng hapon ay nasa tapat na kami ng Philippine Star building sa Port Area.

Nakakatuwang isipin na naka-21 taon na ang PSN, ang nangungunang tabloid sa kasalukuyan. At sa 21 taon ng PSN, ilan sa mga empleyado ang pinarangalan ng Loyalty Award na tumagal 20 taon sa kumpanya ganundin ang naka-15 taon. Isa itong magandang indikasyon na maganda ang pamamalakad ng management kaya nakatagal ang mga taong ito.

Kung anuman ang tagumpay na narating ng PSN ito’y dahil na rin sa maayos na pamumuno ng batang presidente ng kumpanya, si G. Miguel Belmonte.

Lubos ang aming pasasalamat sa aming patnugot na si Veronica Samio at kay G. Miguel Belmonte dahil kabahagi kami sa PSN na hindi lamang sa Pilipinas nababasa kundi sa buong mundo.

Sana, umabot pa ng marami pang taon at lalo pang lumakas ang PSN!

Pagkatapos ng programa, agad kaming umalis para humabol sa Malacanang para sa dinner ng mga taga-entertainment media kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. On our way to Malacanang galing Philippine Star ay katakut-takot ding traffic ang aming sinuong pero nakarating kami ng Malacanang bago mag-alas-otso ng gabi. Nang matapos ang dinner sa Malacanang ay humabol pa kami sa Loyola Park sa Marikina para magbigay ng aming huling respeto sa namapayang direktor na si Joey Gosiengfiao. Pasado alas-dose na ng midnight nang kami’y makauwi at makapagpahinga. Pagod man ako, masaya pa rin ang aking pakiramdam.

BAGETS FOUNDATION

KAMI

KUYA GERMS

MALACANANG

MIGUEL BELMONTE

PHILIPPINE STAR

RAYMOND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with