Wendell, mas magaling magbakla kesa kay Rustom
March 18, 2007 | 12:00am
Nabigyan ng rating na B ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang masayang pelikulang Happy Hearts ng Regal Entertainment. Hindi lang maganda ang pelikula tungkol sa kabadingan kundi kapupulutan din ng magandang araw tungkol sa pagtanggap sa kasarian ng isang ama na ginampanan ni Rustom Padilla na isang bading pero nanatili ang respeto ng anak (Rayver Cruz) dahil naging mabuting ama naman.
Nagkakaisa sa pagsasabi ang mga nakapanood ng movie na bagamat mujer ang role ni Rustom ay tinalbugan pa rin ni Wendell Ramos ang acting niya.
Hindi naging ma ganda sa amin ang mga tinuran ni Governor Armand Sanchez sa kanyang talumpati nang sabihin nitong matagal mag-make-up si Mayor Vilma Santos at di makababa ng sasakyan dahil kailangan pang mag-make-up. Namemersonal ang gobernador ng Batangas at napaka-ungentleman nito sa parte ng isang lalaki lalo na at pinuno pa naman ng isang lalawigan.
Kilala si Vi bilang glamorosang artista ng bansa at hanggang ngayon ay banidosa pa rin ito at di napabayaan ang katawan sa pagdaan ng mga taon kahit abala sa pagiging alkalde ng Lipa.
Hindi kaya nai-insecure na ang mga kalaban nito dahil pinipersonal nila ang labanan? Minahal ng mga taga-Lipa si Vi dahil sa malaking nagawa nito sa ikauunlad ng Lipa.
Hindi naman apek tado ang star for all seasons kahit below the belt ang pagtira sa kanya dahil pinanday na ito ng panahon sa pagiging pulitiko.
Pumasok na sa ibang level ang TV host na si Paolo Bediones, ang pagnenegosyo. Katwiran nito ay hindi panghabang buhay ang pag-aartista o pagiging bahagi ng showbiz. Siya ngayon ang chairman ng I/Tech.Ph Solutions na tumutulong sa mga Pinoy entrepreneurs para lumago ang kapital ng negosyo nila.
Para maipakita ang kanyang pasasalamat ay maghahanap sila ng educational institutions na nangangailangan ng mga aklat sa ilalim ng advocacy program ni Pao na "One Shelf of Books". Layunin nito na mahikayat ang mga kabataan sa pagbabasa ng aklat.
Gusto niyang magtatag ng foundation para sa advocacy program sa tulong ng I/Tech.Ph partner.
Nasalubong namin ang ina ni Donna Cruz na nanood ng Happy Hearts at ibinalitang magsisilang ng kanyang ikatlong anak ang aktres ngayong Mayo. Papangalanan nila itong Iñigo Renato at Gio ang magiging palayaw. Babae ang panganay na anak nina Donna at Dr. Yong Larrazabal at lalaki naman ang sumunod.
Nagkakaisa sa pagsasabi ang mga nakapanood ng movie na bagamat mujer ang role ni Rustom ay tinalbugan pa rin ni Wendell Ramos ang acting niya.
Kilala si Vi bilang glamorosang artista ng bansa at hanggang ngayon ay banidosa pa rin ito at di napabayaan ang katawan sa pagdaan ng mga taon kahit abala sa pagiging alkalde ng Lipa.
Hindi kaya nai-insecure na ang mga kalaban nito dahil pinipersonal nila ang labanan? Minahal ng mga taga-Lipa si Vi dahil sa malaking nagawa nito sa ikauunlad ng Lipa.
Hindi naman apek tado ang star for all seasons kahit below the belt ang pagtira sa kanya dahil pinanday na ito ng panahon sa pagiging pulitiko.
Para maipakita ang kanyang pasasalamat ay maghahanap sila ng educational institutions na nangangailangan ng mga aklat sa ilalim ng advocacy program ni Pao na "One Shelf of Books". Layunin nito na mahikayat ang mga kabataan sa pagbabasa ng aklat.
Gusto niyang magtatag ng foundation para sa advocacy program sa tulong ng I/Tech.Ph partner.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended