Happy anniversary sa ating lahat sa PSN
March 17, 2007 | 12:00am
Parang kailan lang, 21 years na pala ako sa PSN.
Tandang-tanda ko pa nung una akong magsimula ng trabaho rito, August 4, 1986, araw ng Linggo. Maga-apply lang sana ako. Galing ako ng GMA Supershow. Inaya lang ako ni Mimi Citco dahil nangangailangan daw ang nasirang si Oscar Miranda, Entertainment editor nun, hindi ng isang assistant but an associate. Go naman ako, six years na akong freelancer at miss ko nang mag-desk work. Fourteen years old pa lang ako ay nagtatrabaho na ako sa publication.
Hindi na ako pinapaghintay ng Lunes ng nasirang si Gng. Betty Go-Belmonte. Matapos ang isang mahaba-habang interview na kung saan ay sinabi niyang sana ay tapos na ako sa aking union activities ay pinagsimula na agad niya ako. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang impormasyon niya pero, nalaman niyang sa dalawang pinanggalingan kong opisina ay naging aktibo ako sa union activities. Sinabi ko, retired na ako sa mga ganitong gawain at in good faith, tinanggap niya akong empleyado.
That was twenty one years ago. I’ve survived several coup d etats, na minsan ay napilitan akong matulog sa opisina dahil may nagbantang bobombahin ang Star.
Pero, bukod sa mga ganitong kaguluhan, sa unang dalawang taon ko sa Star ay maraming ulit akong inabot ng overnight sa pagtatrabaho. Bukod kasi sa pag-aasikaso ng PSN, naging katulong pa rin ako ni Mr. Miranda sa pagpapatakbo ng isang tabloid magazine, ang Star Ngayon. Alas tres ng umaga ito madalas isara kaya habang naghihintay, nanonood muna ako ng sine sa Recto, nang nag-iisa. Nakakadalawang pelikula ako isang gabi.
Nung una ay parang ako halos ang sumusulat ng lahat ng artikulo sa Star Ngayon, hanggang sa makakuha kami ng mga writers na tulad nina Roldan Castro, Ronnie Carrasco at dumating sa Star si Emy Abuan na Bautista na ngayon at si Edna Constancia na nang lumaon, naging Editor in-Chief din ng PSN.
It’s been 21 years na pala. In October, doktora na ang bunso ko, pwede nang mag-retire from doing desk work in PSN, but not from writing, no definitely not from writing!!! Except na mami-miss ko yung mga taong nakatrabaho ko, masaya na ako dahil nakapagpatapos na ako ng tatlong anak. May pamilya na ang dalawa kong lalaki at may trabaho na silang pareho. Wala nang masyadong pressure, bababa na for sure ang sugar level ko.
Hindi madaling makalimutan ang mahigit na 40 taong trabaho na ginawa ko una, sa Graphic na nasa likod lang ng building ng Star sa Port Area at kung saan ay nagsimula ako bilang proofreader hanggang maging assistant ni Ms. Gemma Cruz-Araneta sa Mini Graphic; ikalawa, sa Atlas Publications na kung saan ay naging mahalagang bahagi ako para magawang MOD Magasin ang Sixteen comics mag. At ikatlo, sa Star na sa kabila ng katarayan ng aking unang editor ay naging matagumpay ang aming tandem. Saan man ako abutin ng pagdaraan ng panahon, nagpapasalamat ako sa maraming magandang pagkakataon na dumating sa aking buhay, sa maraming totoong tao na nakilala ko. Sila ang nagbigay kulay sa aking pagiging isang manunulat. Sa lahat ng ito, salamat sa Diyos sa isang magandang buhay at sa Star sa isang di malilimutang episode ng aking buhay.
Happy anniversary sa ating lahat!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended