Sunshine, huling nakaalam na magpupulitika si Cesar!
March 14, 2007 | 12:00am
Sa launching ng Metro Manila Film Festival ’07 ay dumating si Cesar Montano na siyang nanalong Best Actor sa nakaraang MMFF for Ligalig. Nagkaroon din ng Appreciation Dinner kung saan ibinigay ang incentives sa producers at prizes sa MMFF 2006 awardees na siyang naging highlight ng pagdiriwang.
Sinabi ng actor na nag-off muna siya sa kampanya ng Team Unity at hindi muna makakasama sa pangangampanya ng ilang araw dahil marami pa siyang dapat asikasuhin.
"Wala pa akong headquarters, walang mga staff na tutulong at wala pang nakahandang speeches dahil biglaan ang pag-file ko ng aking candidacy. Mabuti naman at pinagbigyan nila ako," ani Cesar.
Sa kabilang banda, kasama niya si Sunshine Cruz nang tanggapin ang incentive bilang producer ng Ligalig.
Inamin ni Sunshine Cruz na hindi niya tanggap noong una ang pagpasok sa pulitika ng kanyang asawa.
"Ayoko talaga! Ang alam ko noong araw ay may pictorial siya sa Lupin. Ako pa ang huling nakaalam na nasa Comelec na pala ang aking asawa at nagpa-file ng kanyang candidacy bilang senador.
"Kung anuman ang gusto niyang gawin ay suportado ko siya at tutulungan ko ang aking asawa dahil mahal ko siya," anito.
Hindi lang si Buboy ang napuna naming namayat kundi gayundin si Sunshine dahil sa pangangampanya.
Siya ba ang kinuha ng Team Unity para ipantapat kay Richard Gomez? tanong namin.
"Marahil ganun nga pero wala akong nakikitang masama run," aniya.
Gandang-ganda kami kay Angelina Jolie na muli naming napanood sa The Good Shepherd. Kung matatandaan, naging Academy Award winner na ito at tatlong beses naging Golden Globe winner. Kumplikado ang karakter na ginagampanan nito sa The Good Shepherd bilang si Clover na anak ng isang senador.
Kabiyak siya ni Edward Wilson (Matt Damon) na isang konserbatibong babae na magtatagal sa piling ng asawa kahit puno ng pangamba ang kanyang buhay bilang isang espiya.
Palabas pa hanggang ngayon ang The Good Shepherd na isang ambisyosong proyekto ni Robert de Niro na kasama din sa pelikula bilang si Gen. Bill Sullivan. Release ito ng United International Pictures thru Solar Entertainment.
Sinabi ng actor na nag-off muna siya sa kampanya ng Team Unity at hindi muna makakasama sa pangangampanya ng ilang araw dahil marami pa siyang dapat asikasuhin.
"Wala pa akong headquarters, walang mga staff na tutulong at wala pang nakahandang speeches dahil biglaan ang pag-file ko ng aking candidacy. Mabuti naman at pinagbigyan nila ako," ani Cesar.
Sa kabilang banda, kasama niya si Sunshine Cruz nang tanggapin ang incentive bilang producer ng Ligalig.
Inamin ni Sunshine Cruz na hindi niya tanggap noong una ang pagpasok sa pulitika ng kanyang asawa.
"Ayoko talaga! Ang alam ko noong araw ay may pictorial siya sa Lupin. Ako pa ang huling nakaalam na nasa Comelec na pala ang aking asawa at nagpa-file ng kanyang candidacy bilang senador.
"Kung anuman ang gusto niyang gawin ay suportado ko siya at tutulungan ko ang aking asawa dahil mahal ko siya," anito.
Hindi lang si Buboy ang napuna naming namayat kundi gayundin si Sunshine dahil sa pangangampanya.
Siya ba ang kinuha ng Team Unity para ipantapat kay Richard Gomez? tanong namin.
"Marahil ganun nga pero wala akong nakikitang masama run," aniya.
Kabiyak siya ni Edward Wilson (Matt Damon) na isang konserbatibong babae na magtatagal sa piling ng asawa kahit puno ng pangamba ang kanyang buhay bilang isang espiya.
Palabas pa hanggang ngayon ang The Good Shepherd na isang ambisyosong proyekto ni Robert de Niro na kasama din sa pelikula bilang si Gen. Bill Sullivan. Release ito ng United International Pictures thru Solar Entertainment.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended