Nilayasan ng maraming press ang album launch ni Dennis!
March 14, 2007 | 12:00am
Poor Dennis Trillo! Kung kailan siya nerbyos na nerbyos dahil may press launch ang kanyang self-titled debut album, from Indi Music sa Virgin Cafe Morato ay saka naman nagkapalpak-palpak ang programming ng mahalagang event sa kanyang career. First time yun na magkaro’n ng isang album launch na may kasabay na show. Tuloy maraming myembro ng media ang umalis na lamang at hindi nahintay ang pagkanta niya. Ako rin I was about to leave nang umakyat siya finally ng stage para mag-render ng three songs. Pero, pagkatapos nito ay nag-disappear na naman siya to give way to another rock band.
Ang tagal-tagal inabot ang presentation na kung di lamang siguro dahil kay Dennis, sa napaka-charming niyang manager na si Popoy Carotativo at sa isa pang may-ari ng Indi Music na napaka-grasyosa rin na si Leo Dominguez ay baka walang nagtyagang tapusin ang buong presentasyon. Ang masaya pa, hindi mo ma-interview si Dennis tuwing may break sa kanyang pagkanta. Di ko alam kung may natira pang media na nakapaghintay para siya makausap tungkol sa kanyang album.
At saka asan kaya ang top men ng Indi Music na sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid? Dapat andun sila to support their first recording artist.
In fairness, maganda ang album, napagkamalan ko pang imported nang dumating ako ng Virgin Cafe at pinatutugtog ito.
It contains 12 tracks ("All Out Of Love", carrier song, "Lumilipad", "Her Smile", "Mangarap Lang", "All That I Know", "Magtatagpong Muli", "Love Is All That Matters", "Tanga", "Sayaw" at marami pang iba.
Talaga sigurong sina Cong Chiz Escudero at Sec. Mike Defensor ang pinagtatapat na senatoriables. Every time kasi na may tanggapin akong publicity material from the Congressman from Bicol ay tumatanggap din ako the next day ng isa ring publicity material from Sec. Defensor. Dalawang ulit nang nangyari ito. Ang ipinagtataka ko ay kung paano nila nalalaman na may lalabas na write up ang isa sa kanila kaya naagapan na magkaro’n din ang isa. Nag-uusap din kaya sila tungkol sa kanilang promo?
Anyways, pawang may malakas na hatak sa showbiz ang dalawang kandidato, dahil kung hindi nagsipag-asawa kaagad ay baka naging mga artista rin. Sana lang, hindi nila makalimutan ang industriya ng local showbiz kapag senador na sila.
E-mail: [email protected]
Ang tagal-tagal inabot ang presentation na kung di lamang siguro dahil kay Dennis, sa napaka-charming niyang manager na si Popoy Carotativo at sa isa pang may-ari ng Indi Music na napaka-grasyosa rin na si Leo Dominguez ay baka walang nagtyagang tapusin ang buong presentasyon. Ang masaya pa, hindi mo ma-interview si Dennis tuwing may break sa kanyang pagkanta. Di ko alam kung may natira pang media na nakapaghintay para siya makausap tungkol sa kanyang album.
At saka asan kaya ang top men ng Indi Music na sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid? Dapat andun sila to support their first recording artist.
In fairness, maganda ang album, napagkamalan ko pang imported nang dumating ako ng Virgin Cafe at pinatutugtog ito.
It contains 12 tracks ("All Out Of Love", carrier song, "Lumilipad", "Her Smile", "Mangarap Lang", "All That I Know", "Magtatagpong Muli", "Love Is All That Matters", "Tanga", "Sayaw" at marami pang iba.
Anyways, pawang may malakas na hatak sa showbiz ang dalawang kandidato, dahil kung hindi nagsipag-asawa kaagad ay baka naging mga artista rin. Sana lang, hindi nila makalimutan ang industriya ng local showbiz kapag senador na sila.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended