Pinararatangang bakla eh sa sobrang dami ng idini-date ay pinagdadala na ng condom
March 13, 2007 | 12:00am
Nakita naming nagpi-pictorial si Piolo Pascual kasama ang isang modelo ng June Bride episode ng Max’s Restaurant na kinunan sa branch ng Roces Avenue, Quezon City.
Family day ang Linggo at nasanay na kaming maraming tao sa nasabing kainan, pero ‘yung iba pala ay usisero dahil naroon ang magaling na aktor at naki-usyoso na rin kami.
Naroon ang number one supporter ni PJ, ang kanyang mommy Amy Pascual at nalaman naming hindi na pala siya apektado sa gay issue ng anak dahil taon na raw ang binilang at hanggang ngayon ay wala pa naman daw napapatunayang bading nga ang aktor.
Tulad ng mga litratong lumalabas sa internet kung saan may ka-holding hands at kayakap ang anak, "I didn’t bother to investigate na kung sino ang gumagawa, wala na akong care, kung pitsa pa ‘yan ng mahjong, baka naging interesado pa ako, ako pa mismo ang makikialam d’yan. E, same old issue, paulit-ulit na lang.
"Kung alam lang ng mga naninira kung gaano kababaero si PJ, baka magulat sila, oh well, nung nasa States pa siya, all my friends advised him to always bring condom with him kasi nga, gabi-gabi may date after ng duty niya sa hospital," kuwento ng masayahing ina ni Piolo.
Samantala, loveless ngayon si Piolo dahil ang pangako raw niya sa ina ay, "Gusto raw niya kapag nagka-girlfriend siya ngayon, ‘yun na ang pakakasalan niya, ayaw na niya ng relasyon lang kasi 32 na siya at pipilitin daw niya when he reaches 35, dapat may asawa na siya dahil ayaw daw niyang magsabit ng medalya ng anak na uugod-ugod na siya."
At kung hindi rin babaguhin ang plano ay sa Sta. Barbara Beach, USA (pinagkasalan nina Donita Rose at ng asawa niya) magpapakasal si Piolo.
Samantala, ilang tulugan na lang daw at ipalalabas na ang Walang Kapalit soap drama nina Piolo at Claudine Barretto sa Channel 2.
And speaking of Piolo Pascual ay naaliw naman kami sa ina ni Mayo Suzuki na si Gng. Maribel Suzuki dahil nang malaman daw na nasa vicinity lang ng Max’s Restaurant ang aktor ay dali-dali raw nitong iniwan ang anak habang kumakain at nagpa-pictorial kay PJ.
Oo nga, napansin din naming matiyagang nakaabang si Mrs. Suzuki kay Piolo at maya-maya ay sumunod na rin ang anak na si Mayo para magpa-picture din.  REGGEE BONOAN
Family day ang Linggo at nasanay na kaming maraming tao sa nasabing kainan, pero ‘yung iba pala ay usisero dahil naroon ang magaling na aktor at naki-usyoso na rin kami.
Naroon ang number one supporter ni PJ, ang kanyang mommy Amy Pascual at nalaman naming hindi na pala siya apektado sa gay issue ng anak dahil taon na raw ang binilang at hanggang ngayon ay wala pa naman daw napapatunayang bading nga ang aktor.
Tulad ng mga litratong lumalabas sa internet kung saan may ka-holding hands at kayakap ang anak, "I didn’t bother to investigate na kung sino ang gumagawa, wala na akong care, kung pitsa pa ‘yan ng mahjong, baka naging interesado pa ako, ako pa mismo ang makikialam d’yan. E, same old issue, paulit-ulit na lang.
"Kung alam lang ng mga naninira kung gaano kababaero si PJ, baka magulat sila, oh well, nung nasa States pa siya, all my friends advised him to always bring condom with him kasi nga, gabi-gabi may date after ng duty niya sa hospital," kuwento ng masayahing ina ni Piolo.
Samantala, loveless ngayon si Piolo dahil ang pangako raw niya sa ina ay, "Gusto raw niya kapag nagka-girlfriend siya ngayon, ‘yun na ang pakakasalan niya, ayaw na niya ng relasyon lang kasi 32 na siya at pipilitin daw niya when he reaches 35, dapat may asawa na siya dahil ayaw daw niyang magsabit ng medalya ng anak na uugod-ugod na siya."
At kung hindi rin babaguhin ang plano ay sa Sta. Barbara Beach, USA (pinagkasalan nina Donita Rose at ng asawa niya) magpapakasal si Piolo.
Samantala, ilang tulugan na lang daw at ipalalabas na ang Walang Kapalit soap drama nina Piolo at Claudine Barretto sa Channel 2.
Oo nga, napansin din naming matiyagang nakaabang si Mrs. Suzuki kay Piolo at maya-maya ay sumunod na rin ang anak na si Mayo para magpa-picture din.  REGGEE BONOAN
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended