Dennis, ninerbyos dahil baka okrayin ng press?
March 13, 2007 | 12:00am
Kagabi ang media launch ng debut album ni Dennis Trillo under Indi Music nina Regine Velasquez, Leo Dominguez at Ogie Alcasid. Nauna na ang TV launch ng album sa SOP last Sunday at kinanta nito ang carrier single ng album na "All Out of Love," ang duet nila ni Regine na "Magtatagpong Muli" na komposisyon ni Lisa Diy at "Lumilipad" ni Hannah Leah Aracena.
Sin ger na singer ang dating ng binata habang kinakanta ang ilang songs sa kanyang 11-track album. Hindi halatang ilang araw na itong ninenerbyos bilang anticipation sa launching sa harap ng mga suplada at mapang-okray na press people.
Remake at original songs ang nakapaloob sa album kabilang pa ang "Love Is All That Matters," "Her Smile," "Para Sa ‘Yo Lamang" ni Ogie Alcasid, "Sayaw Sa Hangin," "Tanga," "Kung," "All That I Know" at "Mangarap Lang."
Bukod sa album, nagpapa-excite din kay Dennis ang consistent high rating ng Super Twins. Kahit may mga kumontra sa pagtanggap niya sa role ni Eliseo dahil support lang daw nina Jennylyn Mercado at Nadine Samonte. At least, ibang Dennis ang napapanood dito.
Wala sa presscon at premiere night ng Happy Hearts si Rustom Padilla at wala rin ang bagong manager niyang si Ricky Gallardo para pagtanungan. Inisip na lang ng press na ‘di pa ito puwedeng lumabas dahil ipinaayos sa dentist ang bite disorder niya na tinatawag na TMJ o temporomandibular joint disorder.
Si Jaya ang una naming naringgang may ganitong problema at tila inoopera para maayos. Hindi rin dumating si Wendell Ramos na ang galing-galing sa gay role at ‘di kami magugulat kung masundan pa ang pagbabading niya sa pelikula.
Masaya ang movie at sa lakas ng sigawan at ingay ng fans nina Shaina Magdayao at Rayver Cruz, obvious na kanila itong nagustuhan. Ngayong Wednesday, March 14 na ang showing nito.
Sa panahon ng working moms at women’s achiever, mas maraming bata ang lumalaking kasama ang kanilang yaya sa halip na mga ina. Gaano nga ba kalaki ang tulong at impluwensya ng mga yaya sa paglaki ng mga bata?
Masasagot ang katanungang ito ngayong Tuesday episode ng Moms entitled Laki Sa Yaya. Guests sina Maritoni Fernandez, Mymy Davao, Lyn Sherman at episode writer si Ryllah Berico.
Sin ger na singer ang dating ng binata habang kinakanta ang ilang songs sa kanyang 11-track album. Hindi halatang ilang araw na itong ninenerbyos bilang anticipation sa launching sa harap ng mga suplada at mapang-okray na press people.
Remake at original songs ang nakapaloob sa album kabilang pa ang "Love Is All That Matters," "Her Smile," "Para Sa ‘Yo Lamang" ni Ogie Alcasid, "Sayaw Sa Hangin," "Tanga," "Kung," "All That I Know" at "Mangarap Lang."
Bukod sa album, nagpapa-excite din kay Dennis ang consistent high rating ng Super Twins. Kahit may mga kumontra sa pagtanggap niya sa role ni Eliseo dahil support lang daw nina Jennylyn Mercado at Nadine Samonte. At least, ibang Dennis ang napapanood dito.
Si Jaya ang una naming naringgang may ganitong problema at tila inoopera para maayos. Hindi rin dumating si Wendell Ramos na ang galing-galing sa gay role at ‘di kami magugulat kung masundan pa ang pagbabading niya sa pelikula.
Masaya ang movie at sa lakas ng sigawan at ingay ng fans nina Shaina Magdayao at Rayver Cruz, obvious na kanila itong nagustuhan. Ngayong Wednesday, March 14 na ang showing nito.
Masasagot ang katanungang ito ngayong Tuesday episode ng Moms entitled Laki Sa Yaya. Guests sina Maritoni Fernandez, Mymy Davao, Lyn Sherman at episode writer si Ryllah Berico.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended