Mayor Vi, sure nang tatakbong gobernador
March 9, 2007 | 12:00am
Si Kuya Germs ang kinikilalang leader ng industriya na basta nagkaroon talaga ng pagkakataon, sasabihin niya kung ano ang tunay na sitwasyon ng industriya ng entertainment dito sa ating bansa.
Noong humarap sa entertainment press si Senator Kiko Pangilinan, talagang hindi napigil ni Kuya Germs na sabihin sa senador kung ano sa palagay niya ang tunay na problema ng industriya. Lahat naman kasi ng kandidatong lumalapit sa mga taga-showbiz, nangangako ng tulong, pero sa totoo lang matagal nang nakaupo ang karamihan, wala pang nagagawa sa entertainment industry.
Ang malaking problema ng entertainment industry ay ang napakataas na tax na isinasampal sa mga pelikula. Kaya namamayani ang mga pirata, malaki ang tax sa legal na video. Walang tax na binabayaran ang mga pirata, kaya ano ang laban ng legal?
Marami na ang nangakong kikilos sila para maibaba ang taxes Ing pelikula at ng industriya sa kabuuan noon, pero may nabawas ba? Tumaas pa nga ang tax ng pelikula nang patawan ng 12% EVAT na sinimulan ni Senador Ralph Recto, na noong una ay nangako ring tutulong dahil sa asawa niyang si Vilma Santos.
Lahat naman ng nakarinig, umayon sa sinabi ni Kuya Germs. Maski nga ang megastar na si Sharon Cuneta, nagsabi rin sa press conference na simula noong umalis ang mga ÇMarcos, wala nang nakuhang tulong mula sa gobyerno ang industriya ng pelikula at entertainment sa ating bansa.
Huwag na ninyong hintayin ang isang linggong hiningi ni Vilma Santos dahil tiyak na kakandidato siya bilang gobernador. Matagal nang alam yan ng mga tao, kahit naman noon pang nagpasalamat siya sa mga taga-Lipa, nang ma-interview sa ÿÿtv ang isa niyang alalay, sinasabing dapat maging gobernador si Vilma.
Sasabihin ba noong taong yun kung hindi niya alam na iyon talaga ang plano ng amo niya?
Palagay namin ang malaking kunsiderasyon d’yan ay ang kakayahang manalo sa isang eleksiyon, at hindi naman maikakailang magagawa iyon ni Vilma kaysa sa kanyang bayaw. Tama rin siguro si Vilma, mas madali para sa kanya ang maging locDIC al executive kaysa sa tumakbo sa Kongreso, dahil hindi siya bihasa sa paggawa ng batas.
Panay pa rin ang gimik ng isang sexy star, at pinagpipilitan pa ring paglaruan ang mga tao sa pagpapaniwala sa mga iyon na nililigawan nga siya ng isang bading na matinee idol. Pero walang duda na ginagawa niya iyon para itago ang tunay niyang love affair, dahil hindi romantic, at lalong hindi cute tingnan kung malalaman ng tao kung sino ang tunay niyang syota.
At least nagkakatulungan sila. Naitatago niya ang hindi magandang love affair niya, naitatago naman ng matinee idol ang kabadingan niya.
Noong humarap sa entertainment press si Senator Kiko Pangilinan, talagang hindi napigil ni Kuya Germs na sabihin sa senador kung ano sa palagay niya ang tunay na problema ng industriya. Lahat naman kasi ng kandidatong lumalapit sa mga taga-showbiz, nangangako ng tulong, pero sa totoo lang matagal nang nakaupo ang karamihan, wala pang nagagawa sa entertainment industry.
Ang malaking problema ng entertainment industry ay ang napakataas na tax na isinasampal sa mga pelikula. Kaya namamayani ang mga pirata, malaki ang tax sa legal na video. Walang tax na binabayaran ang mga pirata, kaya ano ang laban ng legal?
Marami na ang nangakong kikilos sila para maibaba ang taxes Ing pelikula at ng industriya sa kabuuan noon, pero may nabawas ba? Tumaas pa nga ang tax ng pelikula nang patawan ng 12% EVAT na sinimulan ni Senador Ralph Recto, na noong una ay nangako ring tutulong dahil sa asawa niyang si Vilma Santos.
Lahat naman ng nakarinig, umayon sa sinabi ni Kuya Germs. Maski nga ang megastar na si Sharon Cuneta, nagsabi rin sa press conference na simula noong umalis ang mga ÇMarcos, wala nang nakuhang tulong mula sa gobyerno ang industriya ng pelikula at entertainment sa ating bansa.
Sasabihin ba noong taong yun kung hindi niya alam na iyon talaga ang plano ng amo niya?
Palagay namin ang malaking kunsiderasyon d’yan ay ang kakayahang manalo sa isang eleksiyon, at hindi naman maikakailang magagawa iyon ni Vilma kaysa sa kanyang bayaw. Tama rin siguro si Vilma, mas madali para sa kanya ang maging locDIC al executive kaysa sa tumakbo sa Kongreso, dahil hindi siya bihasa sa paggawa ng batas.
At least nagkakatulungan sila. Naitatago niya ang hindi magandang love affair niya, naitatago naman ng matinee idol ang kabadingan niya.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended