Lani, pinanood ni Celine sa Vegas!
March 8, 2007 | 12:00am
Sayang at di nakita ng personal ni Lani Misalucha si Celine Dion. Narinig lamang niya sa isang usher ng Flamingo Hotel na kung saan siya ay regular na kumakanta kasama, ang Society of Seven, isang grupo na binubuo ng mga Asyano, na nanood ito sa isa sa mga shows niya. Ginawa lamang nitong paraan para di siya makilala ng audience at pumili ng isang sulok na kung saan siya nanood.
"Nakaka-flatter but I would have loved to meet her o kaya just to see her," ani Lani who is preparing naman for her March 17 show sa Araneta Coliseum na kung saan ay gugulatin niya ang mga manonood dahil yung mga hit songs na kinakanta niya’t pinapalakpakan sa Las Vegas ay kakantahin niya. Gagamitin din niya yung kanyang impersonation number na gustung-gusto ng kanyang audience.
Hanggang January 2008 ang kontrata ni Lani sa Flamingo Hotel. Aksidente lamang ang pagkakakuha sa kanya sa Las Vegas dahil ang target nilang pamilya ay pumunta ng Canada para magtayo ng isang caregiving business. Mas madali ang kumuha ng visa bilang isang singer kaya sa halip na Canada ay sa US sila napunta na kung saan ay permanent resident na silang mag-anak.
Pagkatapos ng kanyang Missing You Live in Manila concert ay babalik na ng Las Vegas si Lani dahil sa March 21 ay kailangang balikan na niya ang kanyang trabaho. Pansamantalang humalili sa kanya si Jasmine Trias.
Salamat sa isa na namang masayang pagsapit ng aking kaarawan na palagi ko na lang ipinagdiriwang sa opisina ng Pilipino Star Ngayon. Siguro dahil last birthday ko na ito bilang isang empleyado kung kaya naging mas memorable para sa akin ang aking birthday na talagang pinangatawanan ng aming editorial assistant na si Lanie Mate na maging masagana ay nag-solicit siya ng mapagsasaluhan sa mga kaibigan ko. Kaya salamat muli kina Kuya Germs Moreno, GMA7, ABC5, Ricky Reyes, Stages, Nene Riego, Aster Amoyo, Pocholo Malillin, Universal Records, Anna Dizon, Jim Acosta, Alpha Records, Nap Gutierrez, Ethel Ramos, Nora Calderon, Mayor Toby Tiangco, Salve Asis, Virgie Balatico, Star Magic, Emy Abuan, Backroom, Jennylyn Mercado, Vinia Vivar, Ernie Pecho, Nitz Miralles, Letty Celi, Vice Mayor Herbert Bautista at Full Circle Comm.
Salamat din sa napakaraming pagbati na tinanggap ko thru text messages. These made my last PSN birthday celebration truly memorable.
[email protected]
"Nakaka-flatter but I would have loved to meet her o kaya just to see her," ani Lani who is preparing naman for her March 17 show sa Araneta Coliseum na kung saan ay gugulatin niya ang mga manonood dahil yung mga hit songs na kinakanta niya’t pinapalakpakan sa Las Vegas ay kakantahin niya. Gagamitin din niya yung kanyang impersonation number na gustung-gusto ng kanyang audience.
Hanggang January 2008 ang kontrata ni Lani sa Flamingo Hotel. Aksidente lamang ang pagkakakuha sa kanya sa Las Vegas dahil ang target nilang pamilya ay pumunta ng Canada para magtayo ng isang caregiving business. Mas madali ang kumuha ng visa bilang isang singer kaya sa halip na Canada ay sa US sila napunta na kung saan ay permanent resident na silang mag-anak.
Pagkatapos ng kanyang Missing You Live in Manila concert ay babalik na ng Las Vegas si Lani dahil sa March 21 ay kailangang balikan na niya ang kanyang trabaho. Pansamantalang humalili sa kanya si Jasmine Trias.
Salamat din sa napakaraming pagbati na tinanggap ko thru text messages. These made my last PSN birthday celebration truly memorable.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended