^

PSN Showbiz

Birthday ni Martin, sobrang memorable

RATED A - Aster Amoyo -
Naging very memorable kay Martin Nievera ang kanyang recent birthday (February 4) dahil sa kauna-unahang pagkakataon in years ay ngayon lamang niya muling nakita ang kanyang estranged parents na sina Conchita Razon at Bert Nievera na magkasama sa isang ispesyal na okasyon, ang kanyang 40 something birthday na in-organize ng kanyang current partner na si Katrina Ojeda sa Las Vegas, Nevada kung saan naka-base ngayon si Martin, Katrina at ang anak nilang si baby Santino. Siyempre, naroon din ang kakambal ni Martin na si Vicky na ka-birthday niya.

Matapos maging main attraction si Martin sa Golden Nugget Hotel and Casino sa Vegas may ilang taon na ang nakakaraan, balik na naman ang ex-husband ni Pops Fernandez sa Las Vegas strip dahil isang taon siyang magiging regular performer sa Steve Wyrick Theater habang ang Society of Seven ay regular namang nagtatanghal sa Flamingo Theater.
* * *
Kumbaga sa ulam, nakakaumay na rin ang pinag-uusapang isyu sa pagitan nina Kris Aquino, James Yap at Hope Centeno although we have to admit, na naging malaking balita ito sa loob ng halos tatlong linggo at natabunan pa nito ang mga current issues sa pulitika at ekonomiya.

Kahit ano pa ang sabihin ng iba, Kris is news na kanyang sinimulan nang siya’y pumasok sa showbiz. Magmula noon ay sinubaybayan na ng publiko ang napakakulay na buhay ng bunso ni dating Pangulong Cory Aquino at ang yumaong si Sen. Ninoy Aquino.
* * *
E-mail: [email protected]

vuukle comment

BERT NIEVERA

CONCHITA RAZON

FLAMINGO THEATER

GOLDEN NUGGET HOTEL AND CASINO

HOPE CENTENO

JAMES YAP

LAS VEGAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with