Sunshine, gustong maging chef
March 5, 2007 | 12:00am
Pangarap pala ni Sunshine Dizon na makapagpatayo ng restaurant kaya gusto nitong mag-enrol sa Culinary Arts. Marami siyang pangarap sa buhay na nais matupad kaya at 23 ay loveless pa rin ang aktres.
"Hindi ako nagmamadali. I can’t do two things at the same time kaya isinasantabi ko muna ang pag-ibig," aniya.
One month na nag-diet si Shine kaya from 140 lbs. ngayon ay 120 lbs na lang siya.
Natutuwa ang magaling na aktres dahil consistent ang mataas na rating ng Bakekang.
Kasama sa Kemis: Ke Misis Umaasa ng Solar Entertainment at RPN 9 si Gary Lim bilang Tony Boy, na self-proclaimed business tycoon at CEO ng Global Water Technologies Inc., ang kumpanyang gumagawa at nagbebenta ng ice at ice candy. Sa kanya nakuha ang konsepto ng sitcom kung saan habang nasa San Francisco ang asawa nito na dun nagtatrabaho bilang caregiver ay naging nanay at tatay siya sa kanyang tatlong anak na naiwan sa kanyang kandili at pag-aaruga.
"Wala naman akong ginagawa sa showbiz bago ako inoperan nitong Kemis kaya ako ang nag-aasikaso sa tatlo kung anak kung saan ang panganay ay babae (16 years old) ikalawa ay babae rin (12 years old) at lalaki naman ang bunso (6 yrs old). Naniniwala ba kayo na for two years ako ang tumatayong nanay at tatay nila taking care of everything? Ako ang nagluluto, nagpe-prepare ng baon nila sa eskwela at bumibili pa rin ng sanitary napkin minsan," kwento ni Gary.
"Hindi ako nagmamadali. I can’t do two things at the same time kaya isinasantabi ko muna ang pag-ibig," aniya.
One month na nag-diet si Shine kaya from 140 lbs. ngayon ay 120 lbs na lang siya.
Natutuwa ang magaling na aktres dahil consistent ang mataas na rating ng Bakekang.
"Wala naman akong ginagawa sa showbiz bago ako inoperan nitong Kemis kaya ako ang nag-aasikaso sa tatlo kung anak kung saan ang panganay ay babae (16 years old) ikalawa ay babae rin (12 years old) at lalaki naman ang bunso (6 yrs old). Naniniwala ba kayo na for two years ako ang tumatayong nanay at tatay nila taking care of everything? Ako ang nagluluto, nagpe-prepare ng baon nila sa eskwela at bumibili pa rin ng sanitary napkin minsan," kwento ni Gary.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended