^

PSN Showbiz

Oyo Boy, nasa ABS-CBN na!

-
Kumpirmadong ABS-CBN talent na si Oyo Boy Sotto at ang first project niya ay episode ng Your Song kasama ang kanyang ex-girlfriend at first love na si Anne Curtis na mapapanood next Sunday, March 10 sa awitin ni Lani Misalucha na "Someone In The Dark."

After ng Your Song ay kasama na rin sa Komiks: The Adventure of Pedro Penduko ni Matt Evans si Oyo at hindi palang nire-reveal sa amin kung ano ang role niya, pero for sure, malaki ang role ng alaga ni Ms. Malou Choa-Fagar.

At kinumpirma naman sa amin ng manager ni Oyo, "They ask me if Oyo can join Pedro Penduko and I said yes na and will run for 13 weeks. Hanggang doon palang ang inoohan ko, let’s see kung maganda at nagustuhan ni Oyo sa Dos, then mag-uusap pa uli kami for more projects," paliwanag sa amin during the press launch of senatoriable candidate Kiko Pangilinan.

Klinaro rin ni Ms. Malou na hindi totoong hindi sila ni-renew ng GMA-7 para sa timeslot nila sa Dramarama sa Hapon, "Kami (Tape, Inc.) ang hindi ready, hindi pa kumpleto ang casting ko at istorya ko. Kami ang may pagkukulang," esplika ng over-all chairman ng Tape, Inc.

Maging ang programang Eat Bulaga ay hindi rin tatanggalin sa GMA-7 dahil may two years contract pa ito sa nasabing network.
* * *
Busy ngayon si Joy Cancio sa kaliwa’t kanang meeting para sa mga upcoming projects ng Sexbomb girls here and abroad kaya naman todo ngiti ang isa sa may-ari ng Focus E, Incorporated, bukod pa sa patuloy na paghataw ng Daisy Siete sa ratings game.

At dahil bisi-bisihan ang mga alaga ni Joy sa rakets ay kinukulang ng dancers ang Focus E at kinakailangan nila ng mga bagong miyembro.

May isyu nga na kaya raw nagpapa-audition ng bagong Sexbomb dancers si Joy ay dahil mawawala na ang grupo niya dahil hindi na raw magre-renew ng contract this year ‘yung ibang miyembro niya lalo na si Rochelle Pangilinan.

Marami tuloy ang nagtatanong kung ang ginagawang move na ito ni Joy ay para mas palakihin pa ang grupo o para gumawa ng bagong batch na ipapalit sa mga kasalukuyang miyembro.

"Actually, naghahanap kami ng bagong mga mukha para i-train. Mga new dancers na talagang dadaan sa matinding training para maabot ang naabot ng Sexbomb Girls.

"Wala naman pang promises na Sexbomb agad sila. Pero hindi rin malayong mangyari lalo na kung magagaling sila at promising, sa maikling panahon ng training ay baka may mag-excel na kayang makipagsabayan sa Sexbomb. Sa balita namang may mga papalitan na Sexbomb members, no comment ako diyan," makahulugang pahayag ni Joy sa amin.

"Matagal ko namang sinasabi ito at alam naman ng mga girls na hindi naman sila habambuhay na dancers. Di ba nga, plano na ng opisina na i-launch as solo artist si Rochelle? Siyempre may mga susunod sa kanyang yapak for sure. May mga magko-concentrate sa acting at sa iba pang field. Kaya as early as now, naghahanap kami ng bagong mga miyembro na kumbaga ay hindi hilaw kapag isinalang namin sa future kaya may training. Pero inuulit ko, we are treating everybody fairly kaya hindi rin kami magdadalawang-isip na ipasok ang sinumang may potential na maging Sexbomb Girl."

Samantala, hindi naman nag-comment ang nasabing manager ng Sexbomb sa isyung ayaw na ng mga alaga niyang makipag-showdown sa EB Babes dahil nagkakasakitan lang daw sila. – Reggee Bonoan

FOCUS E

OYO

SEXBOMB

YOUR SONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with