^

PSN Showbiz

Sandara, aminadong di siya kasing sikat ng dati

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Natutuwa si Sandara Park dahil may proyekto siya sa Solar-RPN at gagampanan nito ang papel ni Kim Chee, anak ng isang Koreano sa Dalawang Tisoy.

"Natutuwa ako dahil kinuha ako ni Mr. Wilson Tieng at dahil sa pagtitiwala nila ay lalo kong pagbubutihan ang trabaho," aniya.

Tinanong ang young actress kung ano ang masasabi niya tungkol kay Kim Chiu na bumabandera ngayon sa ABS-CBN.

"Wala po akong magagawa dun," aniya.
Di Tumatanda
Sa presscon ng Dalawang Tisoy ng Solar Entertainment at RPN ay tinanong ang dalawang bida kung ano ang sikreto nila dahil mukha pa rin silang bata sa paglipas ng panahon.

Sinabi ni Freddie Webb na 64 years old na siya pero marunong siyang magdala ng problema kaya di tumatanda sa kabila ng malaking pagsubok na dumating sa kanilang buhay.

Freddie spends more time sa gym para mag-workout samantalang si Eddie Gutierrez naman ay laging naglalaro ng golf. May basketball court din ito sa kanilang bahay kaya regular na nakapaglalaro ng basketball.

Maganda ang working relationship ng dalawa at saludo si Freddie sa pagiging propesyonal ni Eddie. Hanga naman si Eddie kay Freddie dahil kapag dumating ito sa set ay preparado na.

Si Eddie ay si Pocholo dela Rosa, ang anak na lumaki sa kanyang nanay na Kastila samantalang si Freddie naman ay laki sa nanay niyang Amerikana kung saan magkaiba ang kanilang ugali sa Dalawang Tisoy.

Kasama sina Melanie Marquez, Sandara Park, Dexter Doria at Vince Saldana na sumikat sa Close-Up commercial. Mapapanood ito sa RPN tuwing Huwebes 8:30-9:30NG simula March 15 sa direksyon ni Al Quinn at prodyus ni Joy Florendo.
Melanie, ayaw ng kaliweteng asawa
Excited na si Melanie Marquez sa kanyang role bilang English teacher at manager ng gay bar sa sitcom na Dalawang Tisoy. Magpapakawala na naman ito ng English kaya tiyak na tatawa ang manonood. Tinanong namin ang dating beauty queen kung ano ang masasabi niya sa intriga at problema na kinakaharap ngayon nina Kris Aquino at James Yap.

"Naaawa ako at kampi kay Kris, lalo na ngayon at buntis pa naman siya. Sa akin, mahalaga ang katapatan ng aking asawa at kapag pumasok ang problema ng infedility, naku! Goodbye na at ayaw ko na siyang makita pa," anang aktres.

WANTED

Kilala ang Pinoy sa pagiging music lovers. Gustung-gusto nilang umawit, sumayaw at nangangarap na maging recording artist.

Nangangailangan ng soloist, duet, trio at banda (male or female) ang isang kompanya. Sa sinumang interesadong mag-apply ay magpadala lang ng colored photos (5R), bio-data at CD-R demo kay Ben dela Cruz c/o PO Box 12514 sa Ortigas Center, Pasig City.

vuukle comment

AL QUINN

DALAWANG TISOY

DEXTER DORIA

DI TUMATANDA

EDDIE

EDDIE GUTIERREZ

FREDDIE

MELANIE MARQUEZ

SANDARA PARK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with