^

PSN Showbiz

Movie nina Juday/Ryan, Angel/Richard, iko-coproduce ng Regal at Star Cinema?

- Veronica R. Samio -
Maraming mga fans ang matutuwa kapag natuloy ang pagsasanib ng pwersa ng Regal Entertainment at Star Cinema para iprodyus ang isang pelikula na pagsasamahan ng dalawang pareha nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo ùat Angel Locsin at Richard Gutierrez.

Walang nakikitang problema sa nasabing proyekto dahil sina Angel at Richard ay kapwa mga Regal Babies at hindi naka-kontrata exclusively for GMA7.

Wala rin namang magiging problema kina Juday at Ryan dahil ngayon pa lamang ay pinapayagan na silang gumawa sa labas ng ùStar Cinema kaya lamang nagpapaalam muna sila bilang respeto sa itinuturing nilang home studio.
* * *
Kahapon ay balitang nag-usap-ùusap na ang pamunuan ng Purefoods, ang kumpanyang kinabibilangan ni ùùJames Yap. Kung kakastiguhin si James ay isang malaking palaisipan sa lahat at hinihintay ang kahihinatnan ng isang presscon na ipatatawag sa araw nõa ito ng kumpanya para marahil ay bigyan linaw ang isyu na kinasasangkutan ng isa nilang top player na balitang pinoproblema na rin ng iba panøg koponan sa PBA na nagsimula nang magreklamo dahilan sa kinasangkutan ng isa nilang kasamahan. Abangan.
* * *
Tama ang sabi ni Kris Aquino na hindi muna niya iisipin ang mga nangyayaring gulo sa marriage niya at sa halip ay pananatilihin niyang malusog ang kanyang sarili para sa kapakanan ng sanggol sa sinapupunan niya. "Sa dalawang anak ko ako may unang responsibilidad. Sila na muna ang iisipin ko," sabi niya sa launching +öng Maggi Magic Sarap öna ini-endorso nila ni Aiai delas Alas.
* * *
E-mail: [email protected]

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

JAMES YAP

JUDY ANN SANTOS

KRIS AQUINO

MAGGI MAGIC SARAP

REGAL BABIES

REGAL ENTERTAINMENT

RICHARD GUTIERREZ

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with