Lani, nagpa-over haul ng mukha sa Vegas!
February 27, 2007 | 12:00am
Marami ang nagtatanong kung ano ang mga ipinagawa sa mukha ng singer na si Lani Misalucha dahilan sa malaki ang iginanda nito.
Hindi naman nagparetoke by operation si Lani puro injection lang. Lalo na sa kanyang eye bags na in-injection-an ng vitamin e. Maging sa kanyang ilong na tumangos ay injection din. Hindi alam ng singer kung ano ang tawag sa process na ito.
Pero ang pinakamalaking dahilan ng pagbabago ng kanyang mukha ay resulta ng pagpapaayos niya ng ngipin na tinawag na full mouth reconstructions. Ang buong ngipin nito ay inayos mula sa whitening at iba pang treatment ng kanyang teeth. Kasabay ng pag-ayos o pag-move ng ngipin ni Lani ay naiba rin ang looks ng singer na bumagay naman sa kanya.
Siyempre ang lahat nang pagbabago ng mukha ni Lani ay ginawa sa US na sobrang mahal pero satisfied naman ang singer.
Samantala, kaya pala sila pumunta noon ng US ay dahil gusto na niyang talikuran ang singing at mag-try ng ibang field. Kaso kahit saan siya magpunta ay inaalok siyang kumanta hanggang sa hindi niya matalikuran ang magandang alok sa Flamingo kung saan siya ang nag-iisang Asian singer na kinikilala ngayon.
"Sabi ko sa sarili ko tutal naman hinahabol ako ng pagkanta kahit saan ako magpunta. So, bakit hindi ko na lang salubungin. So I go for it," sabi ng singer.
Speaking of mukha, wala na ang bakas ng bells palsy sa face ng singer na si Frenchie Dy pero continuous pa rin ang kanyang rehab dito.
Maraming factors ang cause ng bells palsy na number one cause ay ang stress. Kaya maingat na ang singer ngayon. Kung dati ay sobra siyang makatutok ng electric fan kapag natutulog sa magdamag, ngayon ay sa paa na lang niya ito ipinatatama. Hindi na rin siya nakatutok kung magpalamig sa aircon. At hindi na siya nagbabasa ng kamay pagkatapos mag-computer o magtrabaho.
Wish ni Frenchie na magkaro’n ng foundation para sa bells palsy para makatulong sa publiko na maiwasan ang sakit na ito.
Excited na si Frenchie sa concert ni Lani: Missing You Live sa Araneta Coliseum, March 17. Bukod sa may solo spot sila ni Mau Marcelo ay magkakasama pa silang tatlo bilang Dreamgirls. Imagine mong silang tatlo ang counterpart ng Dreamgirls, sure na patok ang ideyang ito.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended