Libre ang mga artista
February 26, 2007 | 12:00am
Katatawanan at pagmulat sa katotohanan ang dahilan kung bakit binuhay muli ni Jun Urbano ang karakter ni Mr. Shooli na siya rin ang lumikha. It was a hit sa telebisyon ilang dekada na ngayon ang nakalilipas at ang nagdirek ay si Leo Martinez. Si Eric Quizon ang siyang gumanap bilang Mr. Shooli sa pelikula.
Para sa taong kasalukuyan ay balik-pelikula si Mr. Shooli sa the most funny movie of he year na pinamagatang Ang MONAY ni Pareng Mongol. Isa itong political satire tulad ng Juan Tamad Goes to Congress noong dekada 60 na ang bida ay si Manuel Conde, ang ama ni Jun. Bago pa kayo mag-isip ng masama o malaswa, ang ibig sabihin ng MONAY ay Mistakes Of the Nation Address, Yata.
Tamang-tama na it is election time pero, ayon kay direk Urbano ay coincidence lamang ito. Na sa kabila ng mga di magagandang pangyayari sa bansa, ang mensahe ay hindi pa raw huli ang lahat and never give up on our beloved country, the Philippines.
Buhay din ang karakter ni Congressman Manhik, Manaog sa katauhan ni Leo Martinez na marami ang nag-react nang sabihin niyang di kaayon si Leo for actors joining politics pero hindi naman daw niya nilalahat. At isa pa, nabigyan ito ng ibang kulay dahil sa jingle ng pelikula, ang PBA or Politika, Basketball at Artista.
Labor of love ang pelikulang ito na hitik na hitik sa mga guest stars na hindi siningil si Jun ng kanilang actual talent fees. Isa na rito si Kuya Germs na hindi tinanggap ang token fee dahil bilib daw siya sa project. Ilan lamang sa mga cameo appearances ay sina Gloria Romero, Tirso Cruz III, Giselle Sanchez, Ricky Davao, Bembol Roco, Jeric Raval, Nanette Inventor, Mat Ranillo III at marami pang iba.
Umiikot ang istorya sa mga bagong karanasan na naganap kay Shooli sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas at ang marami dito ay kanyang ikinalungkot.
Nasa gitna naman ng pictorial for a commercial nang ipatawag si Cesar Montano sa Malacañang.
Pinili si Cesar dahil sa kanyang credibility bukod sa pagiging popular. Kababalik lang ng aktor mula sa Legaspi, Albay kung saan sinuportahan niya ang paglulunsad ng HERO or Health Education and Reform Order, a project ng Philippine College of Physicians sa pakikipag-ugnayan sa Dept. of Health.
Inilunsad din ang "Lakad Para sa Puso, Tanim Puno Isapuso" na kung saan nilakad ng aktor at ng kan yang may bahay na si Sunshine ang daan patungo sa Lignon Hill para magtanim ng punongkahoy para maging depensa sa mga kalamidad tulad ng bagyo.  REMY M. UMEREZ

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended