JayR, bantay-sarado sa gf
February 26, 2007 | 12:00am
Narito pala sa Pilipinas ang eight years girlfriend ni JayR named Liza na nagwo-work sa kilalang accounting firm sa California, USA .
Inamin ng petite na (kahawig ni Jennifer Love Hewitt) girlfriend ng R&B Prince na susubukan muna niyang manirahan dito sa Pilipinas at the same time ay para bantayan at suportahan ang boyfriend niya sa bagong tatag nitong Rock Candy Bar sa Glorietta 2.
Aware raw si Liza sa mga babaing nali-link kay JayR at inamin niyang inaaway niya minsan ang nasabing singer dahil baka nga totoo.
"She comes home naman madalas, sometimes ako ang pumupunta ro’n," salo ni JayR.
"I’m selosa, I don’t deny it, but I know naman my boyfriend is loyal to me, but still, I have to stay here for a while," katwiran uli ng Pinay na girlfriend ni JayR.
Samantala, clueless pala ang binata kung bakit hindi na siya ka-join sa repeat ng Showgirl concert ni Vina Morales last Saturday.
"Nobody talks to me regarding that, sabi lang ng manager ko, conflict, so dedma na," say ni JayR.
Ayaw naman niyang isiping conflict dahil nga taga-GMA 7 siya at taga-ABS-CBN si Vina dahil bakit daw sina Mark Herras at Ogie Alcasid ay kasama sa special guests ng singer/actress.
"Maybe because mas malalaki ang pangalan sa akin nina Ogie at Mark," kibit balikat na sagot ni JayR.
Dahil shelved na ang Buhawi Jack nina Vhong Navarro at Judy Ann Santos na kapalit sana ng Pedro Penduko ni Matt Evans ay usapan sa taping ng nasabing fantaserye na baka i-extend na naman ang pakikibaka ng boyfriend ni Olyn Meimban.
Kwento mismo sa amin ng taga-Dos, "Wala pa kasing kapalit ang Buhawi Jack, okey na sana, plantsado na, e, biglang na-shelve kasi may gagawin muna si Vhong, kaya aligaga ang staff ng Komiks, e, hilo na nga ang staff ni sir Deo (Endrinal) kasi abala rin sa Sineserye, so sabay-sabay kaya baka ma-extend si Penduko."
Tinanong namin si Olyn tungkol sa isyung ito, "May naririnig nga po kami na baka nga i-extend, e, hindi pa namin alam kung tuloy, kasi hanggang April pa kami, so kung mae-extend, masaya kasi po ay regular show pa kami, he, he," katwiran ng dalagita.
Dream come true for Pinoy Dream Academy Grand Star Dreamer, Yeng Constantino na makasama ang idol niyang si Sarah Geronimo sa isang soap drama.
"Dati po kasi, pinapanood ko si Sarah, hinahangaan ko siya, fan niya po ako, tapos heto, makakasama ko na siya sa soap, parang nanaginip yata ako, sabi ko sa sarili ko, totoo ba ito?
"Masaya po ako, hindi nga po ako makatulog, kasi imagine, isang malaking artista at magaling na singer, makakasama ko sa isang soap drama?" natutulalang kwento ni Yeng sa amin.
Remake ng Sana’y Wala Nang Wakas nina Sharon Cuneta, Dina Bonnevie at Cherie Gil ang pagsasamahan nina Sarah at Yeng with Rica Peralejo as Cherie.
"Ang sarap po ng feeling, sana po, hindi ko ma-disappoint ‘yung mga taong sobrang nag-expect. Nagwo-workshop na nga po ako, eh para sa tamang blocking at tamang pag-deliver ng dialogue," dagdag pa ni Yeng.  REGGEE BONOAN
Inamin ng petite na (kahawig ni Jennifer Love Hewitt) girlfriend ng R&B Prince na susubukan muna niyang manirahan dito sa Pilipinas at the same time ay para bantayan at suportahan ang boyfriend niya sa bagong tatag nitong Rock Candy Bar sa Glorietta 2.
Aware raw si Liza sa mga babaing nali-link kay JayR at inamin niyang inaaway niya minsan ang nasabing singer dahil baka nga totoo.
"She comes home naman madalas, sometimes ako ang pumupunta ro’n," salo ni JayR.
"I’m selosa, I don’t deny it, but I know naman my boyfriend is loyal to me, but still, I have to stay here for a while," katwiran uli ng Pinay na girlfriend ni JayR.
Samantala, clueless pala ang binata kung bakit hindi na siya ka-join sa repeat ng Showgirl concert ni Vina Morales last Saturday.
"Nobody talks to me regarding that, sabi lang ng manager ko, conflict, so dedma na," say ni JayR.
Ayaw naman niyang isiping conflict dahil nga taga-GMA 7 siya at taga-ABS-CBN si Vina dahil bakit daw sina Mark Herras at Ogie Alcasid ay kasama sa special guests ng singer/actress.
"Maybe because mas malalaki ang pangalan sa akin nina Ogie at Mark," kibit balikat na sagot ni JayR.
Kwento mismo sa amin ng taga-Dos, "Wala pa kasing kapalit ang Buhawi Jack, okey na sana, plantsado na, e, biglang na-shelve kasi may gagawin muna si Vhong, kaya aligaga ang staff ng Komiks, e, hilo na nga ang staff ni sir Deo (Endrinal) kasi abala rin sa Sineserye, so sabay-sabay kaya baka ma-extend si Penduko."
Tinanong namin si Olyn tungkol sa isyung ito, "May naririnig nga po kami na baka nga i-extend, e, hindi pa namin alam kung tuloy, kasi hanggang April pa kami, so kung mae-extend, masaya kasi po ay regular show pa kami, he, he," katwiran ng dalagita.
"Dati po kasi, pinapanood ko si Sarah, hinahangaan ko siya, fan niya po ako, tapos heto, makakasama ko na siya sa soap, parang nanaginip yata ako, sabi ko sa sarili ko, totoo ba ito?
"Masaya po ako, hindi nga po ako makatulog, kasi imagine, isang malaking artista at magaling na singer, makakasama ko sa isang soap drama?" natutulalang kwento ni Yeng sa amin.
Remake ng Sana’y Wala Nang Wakas nina Sharon Cuneta, Dina Bonnevie at Cherie Gil ang pagsasamahan nina Sarah at Yeng with Rica Peralejo as Cherie.
"Ang sarap po ng feeling, sana po, hindi ko ma-disappoint ‘yung mga taong sobrang nag-expect. Nagwo-workshop na nga po ako, eh para sa tamang blocking at tamang pag-deliver ng dialogue," dagdag pa ni Yeng.  REGGEE BONOAN
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
November 23, 2024 - 12:00am