^

PSN Showbiz

May dream project pa si Sunshine

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Saludo si Direk Carlo Caparas sa galing umarte ni Sunshine Dizon na personal choice niya para lumabas sa teleseryeng Bakekang. Balak nitong isalin muli sa pelikula ang Bakekang (Book 2) at gusto niyang si Sunshine uli ang gumanap sa title role.

Tinanong namin si Sunshine kung paano niya nailalarawan ang karakter ng isang ina gayung wala pa naman siyang anak sa tunay na buhay. Iba’t iba ang emosyon na ipinapakikita nito dahil hindi patas ang pagtingin sa dalawa niyang anak na sina Kristal at Charming.

"Nakatutok kasi sa akin sina Direk Khryss Adalia at Gil Tejada. They tell exactly what they want. Ako naman, inilalagay ko ang sarili ko sa papel na ginagampanan ko. Gamay ko na si Direk Gil dahil nakatrabaho ko na siya sa Anna Karenina. Natutuwa nga ako dahil kahit di gaanong malaki ang project kumpara sa ibang soap opera na may special effect ay consistent ang rating namin sa group effort. This is my biggest role," anang aktres.

Dahil sa pagiging number 1 nito sa rating ay na-extend ang teleserye at magtatapos ito after Holy Week.

Ano ba ang dream project ni Sunshine?

"Gusto kong gampanan ang karakter ni Sally Field na nasasapian ng iba’t ibang spirit. I got bored kapag paulit-ulit ang role na ginagampanan ko. Mas gusto ko yung minsan bida at minsan naman ay kontrabida," say pa ng aktres.
Ayaw Sa Pulitika
May offer din pala kay Direk Carlo Caparas para tumakbo bilang senador. Pero ayaw niya at mas gustong mag-concentrate sa kanyang trabaho sa showbiz.

"Pwede naman akong makatulong sa bayan sa ibang paraan. Isa pa, kapag ginawa ko ito ay mawawalan na ng driver si Donna," biro ni direk. Tatanggap ng presidential merit si Carlo sa dami ng naiambag nito bilang komiks writer ngayong Marso na idaraos sa Malacañang.
Rayver, Nasigawan Ni Direk Joel
Inamin ni Rayver Cruz na tampok sa Happy Hearts katambal si Shaina Magdayao na dose anyos pa lang siya ay gusto na niyang ligawan ang young actress nang magkasama sila sa Flames pero hanggang crush lang ito. Panay pa-cute na lang ang ginagawa niya sa kapatid ni Vina Morales.

Sinabi nito na kahit wala pa silang relasyon ni Shaina ay nagseselos siya kapag may kausap itong iba. "First time ko siyang dinalaw sa kanilang bahay noong birthday niya (Nov. 6) pero wala siya sa bahay. Lumabas sila ng kanyang pamilya para mag-dinner," say nito.

Sa kabilang banda, masaya si Rayver dahil ito ang first major film niya kung saan inilunsad ang kanilang pagiging magka-loveteam ni Shaina.

Inamin din ni Rayver na nasigawan na siya ni Direk Joel. Hindi niya nagawa sa isang eksena ang pagbabasketball dahil sa hit marker. "Pero madaling lumamig ang kanyang ulo at inaalok kami sa pagkain. Thoughtful si direk," pagtatapos ng young actor.

Nagsimula si Rayver sa showbis noong siyam na taong gulang siya kung saan naging mainstay ng BestFrends sa Channel 7.

vuukle comment

ANNA KARENINA

AYAW SA PULITIKA

BAKEKANG

DIREK

DIREK CARLO CAPARAS

RAYVER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with