^

PSN Showbiz

Rustom, nag-walkout kay Direk Joel

-
Itinanggi ni direk Joel Lamangan ang pagwo-walkout ni Rustom Padilla sa shooting ng Happy Hearts dahil bumalik daw ang actor. Pero, sa tono ng salita at pagtaas ng kilay ng director, malalaman na kung ano ang tunay na istorya.

Nagpaalam daw si Rustom na dahil kamay lang niya ang kukunan ay ibang kamay na lang ang gamitin ni Direk Joel. Hindi pumayag ang director dahil mahahalata ng tao na ‘di kamay ng actor ang kinunan. Ayun, habang nagtatalo pa’y, bigla na lang umalis sa set ang actor at sumakay sa sasakyan.

In fairness, mahinahon daw si direk na nag-diaclogue ng "Ay, umalis na siya" at naging dahilan ‘yun para ma-pack up ang taping. Ini-schedule ang shooting kinabukasan at nagpustahan ang crew kung sino sa director at actor ang ‘di darating. Natuwa ang lahat nang pareho silang dumating at nakunan din ang kamay ni Rustom.

Nakakatawa ang trailer ng Regal movie na showing sa March 14. Nakipag-sabayan sa pagka-kuwela si Wendell Ramos na isa ring bading dito. Hanggang sa Camarines Sur ay dala-dala raw nito ang kabadingan.
* * *
Kasama na sa Ouija Board si JC de Vera at siya ang ipinalit ng GMA Films at Viva Films kay Mark Bautista. Hectic daw ang schedule ng singer at ‘di na mahihintay ang availability nito’t, tuluy-tuloy ang shooting ng horror movie nina Judy Ann Santos at Jolina Magdangal.

Maganda raw ang role ni JC, kaya okey lang sa kanya kung third choice siya. After Mark, isang sikat na basketball player ang kinonsider for his role at kapareha ni Rhian Ramos na ‘di rin pumu€wede.

Aside from the movie, gagawin din ni JC ang TV remake ng Sinasamba Kita. Siya ang magpo-portray sa role na giHnamTpanan ni Phillip Salvador sa Viva movie. – NITZ MIRRALES

AFTER MARK

ARING

CAMARINES SUR

DIREK JOEL

HAPPY HEARTS

JOEL LAMANGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with