^

PSN Showbiz

MMG Group, balik limelight!

-
Twelve years ding namayagpag sa mundo ng showbiz ang grupong MMG Group, pinamunuan ni Ervin Y. Mateo. Ang MMG ay binubuo ng mga negosyong movie production, recording company, tv production (daily noontime), publication (tabloid), trading, real estate, maritime industry, manufacturing, financing, banking, export and import, convenience store at iba pa. Nakagawa sila ng 30 movies, na ang ilan ay hindi pa naipapalabas at bago pa ito mai-release for showing, nagkaroon ng malaking iskandalo, nagkaroon ng anomalya sa nasabing grupo na nakarating sa korte at natural, nagsara ang business.

Nadismaya si Ervin. Wala siyang kaalam-alam na may mga pinagkatiwalaan siyang mga tao, pero sila or ilan sa kanila ang naging mitsa ng kaguluhan at pagsasara ng business. Almost four years nang nasa korte ang kaso at nag-iisang nakikipaglaban si Ervin na lahat ng mga properties ay naka-hold para magkaroon ng chance na mabalik at mabawi ang dapat mabawing property niya. Malaki rin ang pasasalamat niya kay Tatay Cris na kasama niya sa laban.

Ang kahilingan ni Ervin na maisailalim ng Corporate Rehabilitation ng Korte, RTC Branch 256, Muntinlupa City ay pinagbigyan pagkaraan ng mga paglilitis. May bagong pangalan ang grupo, ito ay ang Grupo Mateo-Pilipinas Investors Association, Inc. Ito ang kikilalaning asosasyon ng hukuman. Sa naging desisyon ng Mataas na Hukuman, laking tuwa ni Ervin dahil hindi siya pinabayaan ng Diyos na di malinis ang kanyang pangalan. Anumang oras ay magbabalik limelight siya. Pati tourism and land developing ay idadagdag niya sa dating negosyo. Mga magagaling na lawyers, mga piling businessman ang makakasama ni Ervin para maBpangalagaan at mabawi niya ang mga ari-ariang pinagsamantalahan ng ilang taong pinagkatiwalaan niya.

Sa kabila ng lahat ng mga pangyayari, walang paghihiganti sa puso ng mabait na negosyante. Dati raw ay kung anu-anong pagmumura ang ginawa niya, galit na galit siya, pero naging malapit siya sa Diyos, at ito ang nagbigay sa kanya ng liwanag ng kaisipan. Maging mapagkumbaba at mapagpatawad siya. – LETTY G. CELI

vuukle comment

CORPORATE REHABILITATION

DIYOS

ERVIN

ERVIN Y

GRUPO MATEO-PILIPINAS INVESTORS ASSOCIATION

MUNTINLUPA CITY

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with