^

PSN Showbiz

Mall ni Cogie, nahulihan ng mga pirated tapes!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Tama lang ang decision ni Optical Media Board Chairman Edu Manzano na ‘wag nang makigulo sa senatorial elections. As it is, circus na.

I’m sure na-realize ni Edu, marami namang way kung gusto mong magsilbi sa bayan (ang gasgas na alibi ng maraming pulitiko).

He made the right decision. Hindi siya gagastos, hindi masyadong mapapagod sa kampanya at higit sa lahat, hindi siya mawawalan ng kita sa kanyang pagiging product endorser and as an actor and TV host.

Tama na nga naman ‘yung chairman siya ng Optical Media Board na hindi man niya masyadong isinisigaw na nagtatrabaho siya, nakikita naman ang output ng kanyang trabaho.

Like may nabasa ako na ni-raid pala ng grupo ng OMB ang bagong mall na pag-aari nina Cogie Domingo.

Kakabukas lang ng nasabing mall pero grabe raw ang dami ng binibentang pirated audio and video products kaya hindi pinaligtas ng grupo ni Edu ang nasabing mall.

Sayang naman — bago pa lang ang mall na ‘yun. Dapat hindi pinapayagan nila Cogie ang ganun lalo na nga at artista rin siya. At ang nakaka-sad daw, 80% ng mga pirated DVDs na na-raid ay Tagalog films.

Hay ano ba ‘to?

Totoong mahirap nang ma-regulate ang piracy sa bansa pero sana, ma-monitor ng in-charge sa mall nila Cogie kasi ang actor at ang lawyer na father niya ang naka-front at siguradong sa kanila babagsak ang negative reactions.

Most probably, hindi alam ni Cogie ang ganito.
* * *
Speaking of Edu, ayon sa isang malapit sa actor kung hindi man daw ito natuloy na tumakbo ngayong election, sure na raw ito sa 2010 senatorial elections.

Hindi lang daw ito naka-ready ngayon kaya hindi napilit na kumandidato sa pagka-senador.

COGIE DOMINGO

EDU

OPTICAL MEDIA BOARD

OPTICAL MEDIA BOARD CHAIRMAN EDU MANZANO

SPEAKING OF EDU

TAMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with