^

PSN Showbiz

Sa remake ng Sharon movie rin ang bagsak ni Sarah!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
Hindi pa rin makakaiwas si Sarah Geronimo na i-portray si Sharon Cuneta dahil siya ang gaganap sa role ng megastar sa TV remake ng another Viva Films movie classic na Sana’y Wala Nang Wakas na mapapanood sa ABS-CBN.

Naalala naming nagpahayag si Sarah na ayaw na niyang gawin ang remake ng Dear Heart, ang first movie ni Sharon bilang respeto sa pagtutol ng megastar na i-remake ang nabanggit na pelikula. Pero, mukhang wala siyang kawala’t sa kanya ibinigay ng Ch. 2 ang ginampanang role ni Sharon sa pelikulang pinagsamahan nila nina Dina Bonnevie at Cherie Gil.

Sa TV remake ng SWNW, si Sarah si Sharon, si Yeng Constantino si Dina Bonnevie at si Rica Peralejo si Cherie Gil. Istorya ito ng tatlong magkakaibigang nasira ang relasyon nang sumikat ang isa sa kanila. Unang attempt in acting ito ni Yeng at tiyak aabangan ng kanyang fans.
* * *
Ngayong Miyerkules, February 21 ang opening ng Dreamgirls, ang pelikulang marami ang manonood hindi lang dahil kina Beyonce Knowles, Jennifer Hudson, Anika Noni Rose at Eddie Murphy. Malaking rason din para panoorin ito’y ang napakagandang 20-track soundtrack na gugustuhin ng sinuman na isama sa collection.

Released ng Music World Music, Columbia Records at Sony BMG, ang album ay ‘di ninyo bibitawan pakinggan mula sa opening track na "Move" hanggang sa finale na Dreamgirls. Solo ni Jennifer ang "And I Am Telling You I’m Not Going," "One Night Only," "I Am Changing" at "Love You I Do." May disco version si Beyonce ng "One Night Only" at makabagbag damdaming "Listen." May solo song din si Eddie Murphy na magaling din palang singer.

Ang soundtrack ay available sa standard CDs and limited edition deluxe 2-CD editions with 2 CDs, bonus tracks and 36 page booklet.
* * *
One month nang wala sa SOP si Gabby Eigenmann at hindi siya nagtampo sa desisyon ng management na alisin siya at palitan ni Gian Magdangal. Gusto raw ng GMA-7 na mag-focus siya sa acting kaya, nasa Muli at Super Twins siya. Ibig sabihin, napapanood siya sa hapon at sa gabi, not bad ‘di ba?

Medyo payat si Gabby nang makita namin at paghahanda ‘yun sa pictorial ng coffee table book ng mga Eigenmann to be called EigennMen. Hindi raw siya magpapatalo sa mga pinsang sina Geoff, AJ at kapatid na si Sid Lucero. Si Victor Consunji ang kanilang photographer.
* * *
May lumalabas na ring TV ad si Richard Gomez at kasama niya si Robin Padilla. Maiksi, pero may dating ang TV ad kung saan, ikinukuwento ng huli na minsa’y nagkatampuhan sila ng actor-turned-politician at sinagot ni Goma na nauwi agad sa patawaran.

Suportado ni Robin ang kandidatura ni Richard sa senado pati ang pakikipaglaban nito sa droga. Maganda ang nakaisip ng concept ng TV ad dahil kung sino pa ang taga-showbis, siya pa ang ‘di sumayaw, kumanta at umarte.

Hihintayin namin ang TV ad ni Cesar Montano, isa pa sa mga artistang sasabak sa senado. Ang laking tipid nito sa kandidatura ng actor dahil siya na rin ang scriptwriter, cameraman at director nito. Ginagawa niya ito sa kanyang mga pelikula at ‘di siya mahihirapan.

ANIKA NONI ROSE

CHERIE GIL

DINA BONNEVIE

EDDIE MURPHY

ONE NIGHT ONLY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with