Dahil sa awa sa mga hayop, di na kumakain ng karne si Alicia
February 18, 2007 | 12:00am
Sa presscon ng Muli at sa mga reporter lang nalaman ni Alicia Mayer na ire-reformat ang Lagot Ka… Isusumbong Kita. After the presscon, may meeting ang cast ng sitcom and by now, alam na nito ang plano sa kanya at ibang cast na ‘di maa-absorb sa bagong show. Ang sabi, sina Joey Marquez, Raymart Santiago at Richard Gomez lang daw ang matitira sa cast.
Mabuti na lang at kasama sa afternoon soap si Alicia at love niya ang role niya rito dahil iba sa ginagawa niya dati. Isa siyang factory worker na naka-t-shirt at maong lang, laging naka-pony tail at walang borloloy sa katawan. May mga acting moments siya na matagal niyang na-miss dahil 2004 pa ang last drama niya.
Nalaman pala naming vegetarian si Alicia since October last year. Ang awa sa mga kinakatay na hayop ang kumumbinse sa kanyang baguhin ang eating habit. Kaya no meat, no fish, no dairy and no eggs ang sinusunod nito at organic vegetables and fruits ang kinakain.
Nadiskubre niyang puwedeng magluto ng kare-kare without meat at mas masarap ang tofu hamburger kesa nabibili sa mga fastfood chain. Member siya sa PETA o People’s Ethical Treatment for Animals at sa February 28, may nude pictorial siya kay Raymund Isaac para isulong ang kanyang advocacy. Member din ng PETA sina Diether Ocampo at Yasmien Kurdi.
Kuwela ito kung makukuha ng Regal si Aiai delas Alas para gumanap na inang aswang sa pelikulang Ang Nanay Kong Aswang. Mother’s Day presentation ito at nag-i-schedule na ng shooting para ‘di magahol si direk Joel Lamangan.
Walang regular TV show si Aiai sa ABS-CBN ngayon at kundi pa tapos ang shooting ng Cute Ng Ina Mo ng Star Cinema at Viva Films ay malapit na silang matapos. Hindi pa sinisimulan ang movie nila ni Rufa Mae Quinto sa OctoArts Films, kaya may time siyang gawin ang Ang Nanay Kong Aswang, her first aswang role. Ikinukuwento pa lang ni Dinno Erece, sumulat ng script ang mga eksena’y natawa na kami.
Hindi lang kami sure kung sino kina Jennylyn Mercado at Mark Herras ang gaganap na anak ni Aiai rito. Kung ang young actor, ikatutuwa niya dahil gusto niya itong alagaan. Kasama rin sa cast sina Sandara Park at Joseph Bitangcol at marami pang young stars.
Hindi pa pala nagti-taping si Cesar Montano ng Lupin III ng GMA-7, kaya ‘di apektado ang takbo ng istorya nito kundi na siya makakasama sa cast ng live action series. Nag-decide na itong tumakbong senador under Team Unity ng administration kapalit ni Jericho Petilla.
Hindi na siya mahihintay ng Ch. 7 at ni direk Mike Tuviera dahil April na ang airing ng series at kailangang kunan na ang mga eksena niya with Richard Gutierrez dahil mentor ng young actor ang kanyang role.
Manghihinayang si Robin Padilla kundi na matutuloy si Cesar sa Lupin III dahil kahit ito’y nagagandahan sa role ng actor. Maganda raw pagsamahin ang dalawa at maraming matututunan si Richard kay Cesar.
Na-forward sa amin ang e-mail ni Mr. Raymond Guison, ama ni Victor Guison, ang young drummer boy sa SOP. Nagpasalamat si Mr. Guison sa naisulat namin sa kanyang anak na in –fairness, nag-enjoy kaming kausapin dahil maraming kuwento.
Tsinika nitong sa Aikido dapat siya mag-i-enroll, pero ‘di tinanggap dahil payat. Dumaan daw sila sa music store at nag-decide na mag-enroll in drum playing and the rest is history.
Si Ynez Veneracion ang naglapit sa kanya kay Geleen Eugenio na manager niya ngayon. Sa talent fee niya sa SOP, P3,000 ang buo niyang natatanggap, not bad for a 12-year-old boy na ang gusto lang ay maging best drummer.
Mabuti na lang at kasama sa afternoon soap si Alicia at love niya ang role niya rito dahil iba sa ginagawa niya dati. Isa siyang factory worker na naka-t-shirt at maong lang, laging naka-pony tail at walang borloloy sa katawan. May mga acting moments siya na matagal niyang na-miss dahil 2004 pa ang last drama niya.
Nalaman pala naming vegetarian si Alicia since October last year. Ang awa sa mga kinakatay na hayop ang kumumbinse sa kanyang baguhin ang eating habit. Kaya no meat, no fish, no dairy and no eggs ang sinusunod nito at organic vegetables and fruits ang kinakain.
Nadiskubre niyang puwedeng magluto ng kare-kare without meat at mas masarap ang tofu hamburger kesa nabibili sa mga fastfood chain. Member siya sa PETA o People’s Ethical Treatment for Animals at sa February 28, may nude pictorial siya kay Raymund Isaac para isulong ang kanyang advocacy. Member din ng PETA sina Diether Ocampo at Yasmien Kurdi.
Walang regular TV show si Aiai sa ABS-CBN ngayon at kundi pa tapos ang shooting ng Cute Ng Ina Mo ng Star Cinema at Viva Films ay malapit na silang matapos. Hindi pa sinisimulan ang movie nila ni Rufa Mae Quinto sa OctoArts Films, kaya may time siyang gawin ang Ang Nanay Kong Aswang, her first aswang role. Ikinukuwento pa lang ni Dinno Erece, sumulat ng script ang mga eksena’y natawa na kami.
Hindi lang kami sure kung sino kina Jennylyn Mercado at Mark Herras ang gaganap na anak ni Aiai rito. Kung ang young actor, ikatutuwa niya dahil gusto niya itong alagaan. Kasama rin sa cast sina Sandara Park at Joseph Bitangcol at marami pang young stars.
Hindi na siya mahihintay ng Ch. 7 at ni direk Mike Tuviera dahil April na ang airing ng series at kailangang kunan na ang mga eksena niya with Richard Gutierrez dahil mentor ng young actor ang kanyang role.
Manghihinayang si Robin Padilla kundi na matutuloy si Cesar sa Lupin III dahil kahit ito’y nagagandahan sa role ng actor. Maganda raw pagsamahin ang dalawa at maraming matututunan si Richard kay Cesar.
Tsinika nitong sa Aikido dapat siya mag-i-enroll, pero ‘di tinanggap dahil payat. Dumaan daw sila sa music store at nag-decide na mag-enroll in drum playing and the rest is history.
Si Ynez Veneracion ang naglapit sa kanya kay Geleen Eugenio na manager niya ngayon. Sa talent fee niya sa SOP, P3,000 ang buo niyang natatanggap, not bad for a 12-year-old boy na ang gusto lang ay maging best drummer.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended