^

PSN Showbiz

Ang hindi tumawa guilty

- Veronica R. Samio -
Titulo pa lamang nakakatawa na ang M.O.N.A.Y. (Mistakes of the Nation Address Yata), isang political satire movie na kung saan ay kilalang-kilala ang lumalabas na dalawang bida, sina Leo Martinez na muling binuhay sa movie ang kanyang karakter na Congressman Manhik Manaog at si Jun Urbano na nakilala rin sa kanyang karakter na Mr. Shooli.

Si Jun Urbano ang gumawa ng script tungkol sa pagbabalik ng Pilipinas ni Mr. Shooli, isang Mongolian na lumaki at nag-aral sa bansa sa pagpapala ng isang Mr. Garci. Babalik ito dahil dying ang taong nagpala sa kanya. Sa kanyang pagbabalik madidiskubre niya na ang progresibong bansa na iniwan niya ay corrupt na at devastated.

Palabas ang M.O.N.A.Y, sa Marso 21 na dinidirihe rin ni Jun at nagtatampok sa napakaraming artista tulad nina Gloria Romero, Tirso Cruz III, German Moreno, Giselle Sanchez, Ricky Davao, Jeric Raval, Rez Cortez, Jaime Fabregas, Caridad Sanchez, Jimmy Santos, Noel Trinidad, Nanette Inventor at napakarami pang iba.
* * *
Para namang artista kung ituring ng tao si Cong. Chiz Escudero na tumatakbong senador sa nalalapit na eleksyon. Dinudumog kasi siya ng tao saan man siya magpunta at ito ay kahit nung bago pa siya iniendorso ng kanyang ninang at aking movie idol na si Ms. Susan Roces. Kinukurot, kurot nila siya, pinipisil-pisil at kinukunan ng autograph.

Hindi ko personal na kakilala si Cong. Chiz pero sa gabi-gabing napapakinggan ko siya sa radyo na nagbibigay ng libreng legal advice sa maraming tagapakinig, natanto ko na napakatalino niya, parang walang tanong na di niya alam sagutin. Hindi nakapagtataka kung nakuha niya ang ti—wala ni FPJ nung ito’y pumasok ng pulitika. Alam niya kung paano ito susupor_tahan. Ideal siyang tagapag_salita ng oposisyon, wala siyang paliguy-ligoy magsalita, walang boladas. Kuha niya ang tiwala ng isang taga-showbiz na tulad ko at ng marami pang ibang taga-showbiz. Pwede nga siyang tawaging "ampon ng showbiz".
* * *
Nagpapasalamat ang pamilya ng namatay na si Rodolfo T. dela Cruz ng Lupao, Nueva Ecija sa lahat ng nakiramay sa kanila.

Magkakaroon ng Misa para sa ika-40 araw ng kamatayan nito sa Peb. 18. sa St. James Parish.
* * *
[email protected]

CARIDAD SANCHEZ

CHIZ ESCUDERO

CONGRESSMAN MANHIK MANAOG

GERMAN MORENO

GISELLE SANCHEZ

MR. SHOOLI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with