^

PSN Showbiz

Ara, pagod na pagod na sa pag-ibig!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Kung kailan pa naman malapit ang Araw ng mga Puso ay saka naman nagkahiwalay sina Ara Mina at Polo Ravales.

"Wala kasi akong oras sa kanya sa dami ng trabaho. Ayaw ko namang mambitin ng trabaho kaya siguro sinabi sa akin ni Polo na cool off muna kami. May show ako sa Valentine’s Day titled Naked Love at marahil hindi naintindihan ni Polo ang aking commitment dahil sa palagay niya ay wala akong panahon para sa kanya. Pagod na pagod na ako pagdating sa pag-ibig," sey ni Ara.
Ian, Asikaso Pa Rin Ang Mga Kapatid
Thirty one na si Ian de Leon noong December 11 at wala pa ring karelasyon hanggang ngayon matapos nilang magkahiwalay ni Issa kung saan nagsama sila for almost five years.

Hanggang ngayon ay magkasama sila ni Kenneth at siya ang personal na nag-aasikaso dito samantalang si Kiko ay kasama naman ni Lotlot de Leon sa isang compound kaya nasusubaybayan niya ang mga kapatid.

"Ano naman ang pinagkaabalahan mo noong pansamantala kang nagpahinga sa showbiz?" tanong namin.

"May series of shows ako sa Tokyo at kumakanta kasama ang banda. Ako ang tumutugtog ng drums. Nag-business din ako-buy and sell ng kotse at nag-real estate din. Baka ngayong Abril ay magkaroon ako ng chance na makita si Mommy (Guy) dahil magkakaroon kami ng show sa US, kasama si Kiko at Tirso Cruz III," aniya.

Kasama si Ian de Leon sa Super Twins bilang Manuel kung saan mahalaga at markado ang kanyang role. Pangako nito na magiging seryoso na sa trabaho at ang nagma-manage ng kanyang career ay si Malou Choa-Fagar.
Tetchie, Artista Na, Psychologist Pa
Very proud ako kapag nakikita kong mas higit na nagtatagumpay ang mga naging estudyante ko noon like Ali Sotto at Tetchie Agbayani. Ngayon isa nang psychologist si Tetchie kung saan nagtapos ito ng Psychology sa Ateneo at ngayon ay nagtuturo ng Psychology sa St. Joseph. Dito siya nagtapos ng AB. Ngayon ay kumukuha na siya ng Ph.D. sa Ateneo.

May isa itong anak na babae at second year high school sa St. Paul, Pasig.

Sa fantaseryeng Super Twins ay kasama si Tetchie bilang si Lola Besta at ina ni Manuel na ginampanan naman ni Ian de Leon.
Angel, Lucky Charm Ni Richard
Napag-usapan na rin lang si Angel Locsin sinabi ni Richard Gutierrez na lucky charm niya ang magandang aktres dahil kapag sila ang magkatambal ay humihirit sa takilya ang kanilang pelikula gaya ng Let The Love Begin at ngayon naman ay ang The Promise.

Maganda ang kanilang chemistry at kahit off-camera ay may magic ang dalawa. Inamin ni Richard na kamuntik na silang magkarelasyon ni Angel three years ago kaya lang bata pa sila nun at di pa handa kaya inatupag muna ang career. Sinabi pa rin ng aktor na inaalagaan din niya ang espesyal na relasyon nila ni Angel at hindi niya ito ipagpapalit kahit kanino.

vuukle comment

AKO

ALI SOTTO

ANGEL LOCSIN

ARA MINA

IAN

SUPER TWINS

TETCHIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with