Piolo, hindi matanggap na galing siya ng ‘That’s’
February 12, 2007 | 12:00am
Bakit ba naman na uwi sa personalan ang simpleng hindi pagkakaunawaan nina Sunshine Dizon at Matt Evans sa isang okasyon, kung kaya pati ang ampon isyu ay binubuhay na naman?
Wala namang ganyanan dahil sa nakakasakit na tayo ng damdamin. Huwag namang below the belt ang tirahan. Puwede namang palampasin na lang ang mga nangyari tutal naman tapos na ang isyu. Huwag na sanang gatungan pa ng iba. Tutal naman kapwa nagkapatawaran na sila Sunshine at Matt. Huwag na kayong makisawsaw dahil away lang yan ng mga bata. Kung baga sa pelikula ‘the end’ na kaya huwag n’yo ng palalain pa ang kuwento.
Marami nang artista ang nagdeklara ng ka nilang kandidatura sa pulitika. Nandiyan sina Richard Gomez, Alma Moreno, Nadia Montenegro at habang lumalapit ang araw ng eleksyon ay mas marami pa ang bilang na sasali sa pulitika.
Pero bakit ba parang napakalaking kasalanan kapag ang artista ang pumalaot sa labanan ng pulitika kesa sa mga ordinaryong mamamayan?
Hindi mo naman mapipigil ang mga artista na kapwa rin naman nagbabayad ng tax. Masisi mo ba ang artista na magkainteres sa pulitika, samantalang naghahangad lamang ang mga ito na mapaganda ang sistema ng ating bayan?
Sa kagustuhan ng mga artista na maglingkod sa bayan, pati ang mga iningatan nilang pangalan sa industriya ay itinataya nila kahit alam nilang marumi ang pulitika, pero sa tawag ng serbisyo ay isusugal nila ito.
Bakit hindi natin pagkatiwalaan ang artista, hindi naman sila basta-basta na lang sumasabak sa posisyon na tina-target nila ng hindi preparado at walang alam?
Hayaan natin silang pagkatiwalaan ng tao at gampanan nila ang kanilang tungkulin dahil ang mamamayan ang magsasabi kung karapat-dapat nga sila o hindi.
Di hamak na mas ma galing ang mga artista kumpara sa ibang mga nangungurakot ng kaban ng ating bayan.
Tuwang-tuwa sila Judy Ann at Ryan nang regaluhan ko sila ng isang sala set nung dumalo sila sa annibersaryo ng Walang Tulugan.
Matagal na kasi silang inaabangan sa show ng Walang Tulugan. Mabuti na lang at sa kooperasyon nila Noel at Alfie ay natupad din ang inaasam-asam ng lahat. Kaya pati ang mga fans ay talagang hindi magka-umayaw sa sobrang tuwa nang makita ang kanilang mga idol.
Mismong fans ni Piolo Pascual ang nagsabi sa akin na hindi raw matanggap ng singing-actor na nanggaling siya sa That’s Entertainment.
Kaya pala maraming nakapansin na ni minsan ay hindi nagbigay pahalaga si Piolo sa imbitasyon sa anibersaryo ng That’s.
Ang fans mismo ni Piolo ang nagagalit sa aktor dahil sa ikinahihiya nito ang pinanggalingan niyang That’s Entertainment. Ganito ba ang nagagawa ng kasikatan at pera sa tao? Tinutubuan ng amnesia at hindi na marunong lumingon sa kanyang pinanggalingan?
Pero okey lang, marami pa naman akong anak-anakan na kahit world class na ang dating, naro’n pa rin ang kanilang pagkilala at respeto sa hinahamak ni PJ na That’s Entertainment.
Wala namang ganyanan dahil sa nakakasakit na tayo ng damdamin. Huwag namang below the belt ang tirahan. Puwede namang palampasin na lang ang mga nangyari tutal naman tapos na ang isyu. Huwag na sanang gatungan pa ng iba. Tutal naman kapwa nagkapatawaran na sila Sunshine at Matt. Huwag na kayong makisawsaw dahil away lang yan ng mga bata. Kung baga sa pelikula ‘the end’ na kaya huwag n’yo ng palalain pa ang kuwento.
Pero bakit ba parang napakalaking kasalanan kapag ang artista ang pumalaot sa labanan ng pulitika kesa sa mga ordinaryong mamamayan?
Hindi mo naman mapipigil ang mga artista na kapwa rin naman nagbabayad ng tax. Masisi mo ba ang artista na magkainteres sa pulitika, samantalang naghahangad lamang ang mga ito na mapaganda ang sistema ng ating bayan?
Sa kagustuhan ng mga artista na maglingkod sa bayan, pati ang mga iningatan nilang pangalan sa industriya ay itinataya nila kahit alam nilang marumi ang pulitika, pero sa tawag ng serbisyo ay isusugal nila ito.
Bakit hindi natin pagkatiwalaan ang artista, hindi naman sila basta-basta na lang sumasabak sa posisyon na tina-target nila ng hindi preparado at walang alam?
Hayaan natin silang pagkatiwalaan ng tao at gampanan nila ang kanilang tungkulin dahil ang mamamayan ang magsasabi kung karapat-dapat nga sila o hindi.
Di hamak na mas ma galing ang mga artista kumpara sa ibang mga nangungurakot ng kaban ng ating bayan.
Matagal na kasi silang inaabangan sa show ng Walang Tulugan. Mabuti na lang at sa kooperasyon nila Noel at Alfie ay natupad din ang inaasam-asam ng lahat. Kaya pati ang mga fans ay talagang hindi magka-umayaw sa sobrang tuwa nang makita ang kanilang mga idol.
Kaya pala maraming nakapansin na ni minsan ay hindi nagbigay pahalaga si Piolo sa imbitasyon sa anibersaryo ng That’s.
Ang fans mismo ni Piolo ang nagagalit sa aktor dahil sa ikinahihiya nito ang pinanggalingan niyang That’s Entertainment. Ganito ba ang nagagawa ng kasikatan at pera sa tao? Tinutubuan ng amnesia at hindi na marunong lumingon sa kanyang pinanggalingan?
Pero okey lang, marami pa naman akong anak-anakan na kahit world class na ang dating, naro’n pa rin ang kanilang pagkilala at respeto sa hinahamak ni PJ na That’s Entertainment.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended