Last year pa nanalo sa Shanghai Music Festival, pero ngayon lang nagsisimulang magpakilala
February 11, 2007 | 12:00am
Kundi pa ako naimbitahan ni Karen Martinez sa opening ng One Greenhills Shopping Mall ni Cogie Domingo at ng kanyang amang abogado ay hindi ko pa makikilala si Marie Donna, isang napakagaling na singer at isa sa nag-perform sa maikling programa na ginanap sa harapan ng mall na dinirek ni Jobert Sucaldito.
Maraming magagaling din at may mga pangalang singers na nakasabay mag-perform si Marie Donna pero talagang pinalakpakan siya kahit na nagtatanong ang marami kung sino siya at bakit nun lang nila siya nakita.
Matapos siyang mag-perform at matapos ang ilang pagtatanong tungkol sa kanya ay na-meet ko finally ang kanyang manager, si Baste Balboa, Jr. Ito ang nagsabing first prize winner sa Shanghai Asia Music Festival ang alaga niya at may nagawa na itong album sa Sarna Records Corp. na may pamagat na "Only When Our Hearts Unite". Isa rin ito sa mga track sa loob, kasama ng "Kung Hindi Ako" , "Make Me Whole" , "Kung Siya Ang Mahal Mo", ni Vehnee Saturno, "Habang Narito Ako" ni Nonoy Tan, "Angel", "With You Lord, I Belong" ni Jeff Sinajon, "Please Stay" ni Isagani Villarojo, "Abutin Mo" ni Joven Tan at marami pang iba.  VIRGIE F. BALATICO

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended