^

PSN Showbiz

Sandara, nasa Ch. 9 na!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Naiintriga si Sandara Park na may attitude problem at late nang dumating sa contract signing ng isang sitcom na gagawin nito sa Channel 9 prodyus ng Solar Entertainment.

Ayon sa Corporate PR ng local shows ng Solar na si Pat Daza, tama lang naman ang dating ng Koreanang aktres sa contract signing at di totoong pinaghintay nito ang kasamahang mga artista.

Excited na ang aktres dahil naiiba ang show at very proud siya na makasama ang mga respetado at beteranong aktor. Sorpresa pa ito dahil may launching ng mga shows na ito sa Marso.

Makikipagsabayan na ang Nueve sa Siete at Dos dahil magaganda ang mga shows na ihahandog ni Wilson Tieng ng Solar Entertainment.
John, Tagahanga Ni Flordeluna
Inamin ni John Estrada sa presscon ng Maria Flordeluna na estudyante pa lang siya sa Basilan ay pinanonood na niya ang Flordeluna kung saan ang bida ay si Janice de Belen. Tagahanga siya nito at di pinalalampas ang soap opera sa RPN 9.

Nang tanungin siya tungkol sa pagkakahawig ni Eliza Pineda na bida ng Maria Flordeluna at sa ex-wife na si Janice de Belen ay nagkomento ito na mas kahawig niya ang anak na si Ina.

Gagampanan ni John ang papel ni Col. Gary Alvarado na half-brother ni Col. Leo Alicante (Albert Martinez) na ama ni Maria Flordeluna.

Napanood namin ang pilot episode nito at tiyak na aabangan ito ng mga tao dahil puro malalaking artista ang tampok dito mula bata hanggang mga senior stars.
Jennylyn, Kuntento Na Sa Piling Ni Patrick
Inamin ni Jennylyn Mercado ang kanilang two-month relationship ni Patrick Garcia.

Mas masaya siya ngayon sa piling ng nobyo dahil mabait ito at gentleman. "Sobra rin po siyang sincere at caring," dagdag pa nito. Ipinaliwanag pa rin ni Jen na noong mag-guest sila sa Startalk ay di maamin ni Patrick ang kanilang relasyon sa dahilang nagpo-promote kasi sila ng Super Twins.

"Nabigla ako nang may magtanong kung mag-on kami sa presscon ng Super Twins kaya inamin ko na para matapos na ang haka-haka. Mahal ko naman si Patrick at wala namang problema kay Mark dahil friends na lang kami," aniya.

Paano n’yo iseselebrayt ang Valentine’s Day?

"May show po ako sa Zirkoh (Timog) with Janno Gibbs at baka manonood siya ng show. Pagod na ako after the show kaya di ko alam kung magdi-date pa kami," sey pa nito.

ALBERT MARTINEZ

BELEN

ELIZA PINEDA

MARIA FLORDELUNA

SOLAR ENTERTAINMENT

SUPER TWINS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with