Nasa TV na, nasa radyo pa rin!
February 11, 2007 | 12:00am
Hindi na bago sa ma nonood ng TV at tagapakinig ng radyo ang seryeng Maria Flordeluna. Pinagkaguluhan na ito nung araw sa Cebu bilang isang pang-radyong drama at pinanood na rin at iniyakan sa TV ng maraming manonood. Sapat nang sabihin na ito ang gumawa at nagbigay ng malaking pangalan kay Janice de Belen nung siya ay bata pa. Si Janice ang Floredeluna na mortal na kalaban nun sa TV ni Annaliza na ginampanan ni Julie Vega.
Si Eliza Pineda ang binigyan ng malaking pagsubok ng ABS CBN para bigyang buhay muli si Maria Flordeluna ngayon. Ang role ng kanyang kapatid na si Rene Boy ay gagampanan naman ni Nash Aguas. Si Kristel Fulgar naman si Wilma, ang inggiterang stepsister ni Maria Flordeluna.
Si Albert Martinez na gumanap nun ng role ng leading man ni Annaliza ay si Leo Alicante ngayon na ginampanan nung una ni Dindo Fernando; si Vina Morales ang makabagong Elvira Alicante na binuhay nun ni Emma Yuhuico; si Eula Valdez si Jo Espero naman na ginampanan nun ni Laurice Guillen.
Kasama pa rin sa serye na magsisimulang mapanood bukas, Peb. 12, sa direksyon nina Jerry Lopez Sineneng at Retchie del Carmen sina John Estrada, Liza Lorena, Johnny Delgado, Roldan Aquino at marami pang iba.
Ang Maria Flordeluna ang unang serye sa TV na magkakaro’n ng isang bersyon sa radyo. Araw-araw pagsasamahin ng DZMM ang pinakamagagaling na voice talents para sa radyo dramang eere Lunes hanggang Biyernes, 2:30 NH pagkatapos ng Maalaala Mo Kaya.
Kasama sina Rosanna Villegas (Princess Hours) bilang Jo Espero; Danny Depante (Betty La Fea) bilang Leo Alicante; Abby Masilongan (Mirada de Mujer) bilang Elvira; Mean Adonis -Brigada; Eric Galvez (Mirada de Mujer, Passion de Amor)- Gary; at Joel Masilongan (Passion de Amor)-Carlos. Ang mga papel ng bata ay mapupunta kina Roxanne Manato (Battle B Daman at ang seryeng pangradyong Diyos Ko Mahal Mo Ba Sila) bilang Maria Flordeluna; Christian Alviar (Cardcaptor, Sakura, Samurai X)-Rene Boy; Mary Joy Adorable (Machine Robo Rescue) - Wilma.
Simula bukas Lunes, Peb. 12, magbubukas na ang Star City ng 2NH, para mas maagang ma-enjoy ng pupunta ro’n ang 33 rides at walkthroughs, 60 games, 140 retail outlets, 100 food choices, at 2 theater with regular programs.
Patuloy pa rin ang pagpapalabas ng Circus de Ballet na kung saan pinaghalo ang ganda ng ballet ng Ballet Manila at ng galing ng mga circus performer.
Kahit nag-iisa ka, maari kang mag-enjoy pero mas kasiya-siya kung kasama mo ang iyong pamilya, kaibigan o ang buo mong baranggay. P250 lamang ang halaga ng ride all you can tickets at P60 ang entrance fee.
Alam kaya ng kumpanya ng GLOBE na may gumagamit sa pangalan nila para makapang-raket? May tinanggap ako na text na nagsasabing nanalo ako ng isang NOKIA N70 at tumawag lamang ako sa #09157588587 NCR permit 2838 series of 2006 para malaman kung paano ko ito makukuha.
Call naman ako agad, isang lalaki ang sumagot pero wala siyang binabanggit na phone kundi P200,000 na pwede kong makuha on the same day that I called, before the close of office hours. Tinanong pa ako kung gusto ko ba ng cold cash o manager’s check. Pero bago ako pumunta sa opisina nila, pinabibili niya ako ng GLOBE cards kahit saang convenience store na madaanan ko worth a little less than P5,000 but more than P4,000. Buti na lang wala akong pera dahil nung sabihin ko na wala kong ganong pera, bigla akong pinagsarhan ng phone.
[email protected]
Si Eliza Pineda ang binigyan ng malaking pagsubok ng ABS CBN para bigyang buhay muli si Maria Flordeluna ngayon. Ang role ng kanyang kapatid na si Rene Boy ay gagampanan naman ni Nash Aguas. Si Kristel Fulgar naman si Wilma, ang inggiterang stepsister ni Maria Flordeluna.
Si Albert Martinez na gumanap nun ng role ng leading man ni Annaliza ay si Leo Alicante ngayon na ginampanan nung una ni Dindo Fernando; si Vina Morales ang makabagong Elvira Alicante na binuhay nun ni Emma Yuhuico; si Eula Valdez si Jo Espero naman na ginampanan nun ni Laurice Guillen.
Kasama pa rin sa serye na magsisimulang mapanood bukas, Peb. 12, sa direksyon nina Jerry Lopez Sineneng at Retchie del Carmen sina John Estrada, Liza Lorena, Johnny Delgado, Roldan Aquino at marami pang iba.
Ang Maria Flordeluna ang unang serye sa TV na magkakaro’n ng isang bersyon sa radyo. Araw-araw pagsasamahin ng DZMM ang pinakamagagaling na voice talents para sa radyo dramang eere Lunes hanggang Biyernes, 2:30 NH pagkatapos ng Maalaala Mo Kaya.
Kasama sina Rosanna Villegas (Princess Hours) bilang Jo Espero; Danny Depante (Betty La Fea) bilang Leo Alicante; Abby Masilongan (Mirada de Mujer) bilang Elvira; Mean Adonis -Brigada; Eric Galvez (Mirada de Mujer, Passion de Amor)- Gary; at Joel Masilongan (Passion de Amor)-Carlos. Ang mga papel ng bata ay mapupunta kina Roxanne Manato (Battle B Daman at ang seryeng pangradyong Diyos Ko Mahal Mo Ba Sila) bilang Maria Flordeluna; Christian Alviar (Cardcaptor, Sakura, Samurai X)-Rene Boy; Mary Joy Adorable (Machine Robo Rescue) - Wilma.
Patuloy pa rin ang pagpapalabas ng Circus de Ballet na kung saan pinaghalo ang ganda ng ballet ng Ballet Manila at ng galing ng mga circus performer.
Kahit nag-iisa ka, maari kang mag-enjoy pero mas kasiya-siya kung kasama mo ang iyong pamilya, kaibigan o ang buo mong baranggay. P250 lamang ang halaga ng ride all you can tickets at P60 ang entrance fee.
Call naman ako agad, isang lalaki ang sumagot pero wala siyang binabanggit na phone kundi P200,000 na pwede kong makuha on the same day that I called, before the close of office hours. Tinanong pa ako kung gusto ko ba ng cold cash o manager’s check. Pero bago ako pumunta sa opisina nila, pinabibili niya ako ng GLOBE cards kahit saang convenience store na madaanan ko worth a little less than P5,000 but more than P4,000. Buti na lang wala akong pera dahil nung sabihin ko na wala kong ganong pera, bigla akong pinagsarhan ng phone.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended