^

PSN Showbiz

Jennylyn, walang pakialam kung ayaw sa kanya ng kapatid ni Patrick!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
May naka-line-up na pelikula sa Regal MultiMedia sina Jennylyn Mercado at Mark Herras na may working title na Ang Nanay Kong Aswang, pero sa mood ngayon ng dalaga, tanggapin kaya nito ang project?

Sa presscon/launching ng Super Twins, nagpahayag pa rin ito ng galit kay Mark at ito lang ang nakaaway niya ng grabe. Gumawa raw ito ng kuwento na ikinasama ng loob niya.

"Bakit siya gumawa ng kuwento? If ever may nag-text sa kanya, ako ba talaga ‘yun? Dapat nilinaw niya muna bago siya nagsalita. Babae ako, pero tahimik lang kami ni Pat (Patrick Garcia, her boyfriend) at wala kaming ginawa. Siya ang lalaki, siya ang salita nang salita."

Aware naman si Jennylyn na may mga taong hindi pabor kay Patrick para sa kanya at naiintindihan niya ito. In the same way na ‘di rin siya naniniwala sa tsikang ayaw sa kanya ng kapatid ng boyfriend na si Cheska Garcia.

"Kanya-kanyang opinyon ‘yan, but for me, happy at complete ang feeling ko ngayon. Pat is a true gentleman, sobrang mabait at may respeto sa akin," pahayag nito.

Samantala, hindi sagabal kay Jennylyn ang pagpapa-opera ng cyst in both her boobs sa stunts at fight scenes na ginagawa nila ni Nadine sa ST na magsisimula bukas after Asian Treasures. Magaling na ang operasyon altho’ kumikirot ‘pag malamig ang panahon. Feeling nito, hindi na pantay ang kanyang boobs dahil mas malaking cyst ang nakuha sa left breast niya kesa right breast.
* * *
Nalaman namin kay Albert Martinez na prequel ng Flordeluna ang mapapanood sa Maria Flordeluna, kaya mas maiintindihan ng viewers ang back stories ng bawat character. Bukas din ang pilot nito sa ABS-CBN.

Tall order para kay Albert na gampanan ang role ni Col. Leo Alicante dahil alam na ikukumpara siya kay Dindo Fernando na gumanap na Col. Leo Alicante sa first TV version ng soap. Kampante lang itong nagawa niya ng tama ang kanyang papel and so far, hindi pa nagrereklamo si Direk Jerry Sineneng. "I did my best," sabi nito.

Albert is turning 46 years old in April at ‘di namin alam kung aware sa sitsit na nagpapa-botox siya kaya mukhang bata kesa edad niya. Ang naikuwento nito, dahil sa kakaiba niyang diet kaya mas bata siyang tingnan.

Boiled saluyot with garlic and steamed or boiled ampalaya (magdamag na ibinababad sa asin) ang kanyang kinakain dahil nagbibigay ng elasticity sa skin at kompleto ang vitamins. Plus, he eats more fruits and vegetable at matagal nang hindi kumakain ng rice. Kung sinuman ang gustong maging young looking, gayahin ang kakaiba niyang diet.
* * *
Nabasa namin ang pangalan ni Janno Gibbs na isa sa cast ng Lupin III sa role ni Police Inspector Claud. Fourth regular show na ito ng singer-actor-comedian sa GMA-7 dahil nasa SOP, Nuts Entertainment at Eat Bulaga rin siya. Sabagay, sa live show lang ito nali-late mag-report, kaya ‘di siya magiging problema ni direk Mike Tuviera.

Si Janno lang pala sa grupo nila nina Regine Velasquez, Ogie Alcasid at Jaya ang umaming masakit sa kanya ang mabalitaang ang dating kasama nila sa SOP na si Lani Misalucha ay sa ASAP lalabas ‘pag nasa bansa na ito. Nalulungkot din ito’t ‘di na mabubuo ang back-to-back-to-back dahil magkaiba na sila ng network.

Natutuwa pala si Janno na unti-unti nang natitigil ang isyu sa kanila ni Gladys Guevarra at sana raw, wala nang ma-link sa kanya’t malapit na nilang i-celebrate ni Bing Loyzaga ang kanilang 17th wedding anniversary. Yes, magkasama pa rin ang dalawa at walang may balak sa kanilang mag-file ng annulment.

"As far as I’m concerned, we’re still husband and wife and we’re in the process of fixing our relationship. We have problems we are trying to mend. When we talk, what she says and what I say, are still the same," paglilinaw nito sa estado nila ni Bing.

vuukle comment

ALBERT MARTINEZ

ANG NANAY KONG ASWANG

ARING

LEO ALICANTE

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with