Babalik na si Lani M, pero bakit sa ASAP at hindi sa SOP siya kakanta?
February 10, 2007 | 12:00am
Bakasyon lang ang pagpunta rito ni Lani Misalucha sa Pebrero 17 dahil kumakanta pa rin naman siya sa The Flamingo Hotel sa Las Vegas. Ang pinagtatakhan ng marami na sumusubaybay sa kanyang career ay kung bakit sa halip na sa SOP nila siya mapanood na kung saan ay dati siyang regular performer ay sa ASAP na siya kakanta.
Pagkatapos ng kanyang stint sa ASAP ay magpu-promote naman siya ng kanyang "Lani Misalucha" album mula sa Universal Records sa isang series ng mall tour.
Pupunta rin siya ng Singapore para sa isang concert pero, babalik din siya agad para sa isa pang concert sa Araneta Coliseum sa Marso 17, 8NG. Pinamagatan itong Lani Misalucha Missing You. Para sa tiket, tumawag sa 9115555/6001051.
Well-attended yung belated birthday celebration ni Loren Legarda na ginanap sa Seafood Restaurant ng Century Park Sheraton Hotel nung Huwebes ng gabi.
Lauriat ang pagkain na heard ko ay pa-birthday sa kanya ng kanyang mga kaibigan at supporter.
Happy ako na naka-move on na ang magaling na broadcaster at dating senador sa kanyang traumatic experience nang tumakbo siya bilang pangalawang pangulo ng bansa sa tiket ni FPJ.
Tama lamang na ipagpatuloy niya ang maganda niyang gawain sa Senado. Pag-asa ng mga Pinoy ang kakaunting tulad niya na talagang serbisyo ang ibinibigay.
E-mail: [email protected]
Pagkatapos ng kanyang stint sa ASAP ay magpu-promote naman siya ng kanyang "Lani Misalucha" album mula sa Universal Records sa isang series ng mall tour.
Pupunta rin siya ng Singapore para sa isang concert pero, babalik din siya agad para sa isa pang concert sa Araneta Coliseum sa Marso 17, 8NG. Pinamagatan itong Lani Misalucha Missing You. Para sa tiket, tumawag sa 9115555/6001051.
Lauriat ang pagkain na heard ko ay pa-birthday sa kanya ng kanyang mga kaibigan at supporter.
Happy ako na naka-move on na ang magaling na broadcaster at dating senador sa kanyang traumatic experience nang tumakbo siya bilang pangalawang pangulo ng bansa sa tiket ni FPJ.
Tama lamang na ipagpatuloy niya ang maganda niyang gawain sa Senado. Pag-asa ng mga Pinoy ang kakaunting tulad niya na talagang serbisyo ang ibinibigay.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended