^

PSN Showbiz

Ogie, may bombang pasasabugin!

-
World class ang dating ng show ni Sharon Cuneta last Sunday dahil world class performer ang kanyang naging special guest na walang iba kundi si Lea Salonga. Ang feeling namin ay para na rin kaming nanood ng concert ni Lea na madalas gawin sa Meralco Theater. At nang awitin niya ang mga tampok na kanta sa Miss Saigon ay nanumbalik sa aming alaala ang mga eksena sa musical nang ito ay itanghal sa PICC ilang taon na ngayon ang nakalilip0as.

Dahil si Lea ang featured guest ay live orchestra ang ginamit kung kaya’t ang resulta is a magical evening of songs na buong linaw at madamdaming binuhay ni Lea. Wala na kaming hahanapin pa sa mga choiced songs na t piniling iparinig ni Lea. Para itong isang compilation album na puro greatest hits ang taglay. Walang tapon, sa madaling salita.
* * *
Bading na boksingero! Ganito ang istoryang napanood namin sa /Magpakailanman na ang boxer na bading ay ginampanan ni Patrick Garcia. Swabe ang kanyang approach at hindi OA o nakakainis. We feel na kaya niya ito tinaÿÿnggap ay dahil sa aspeto ng pagiging boxer ng main character.

Naalaala namin ang pelikulang Beautiful Boxer which is about a Thai boxer champ na bading. Meron din pala dito sa atin ng ganito.

Speaking of Patrick, kasama siya sa cast ng bagong fantaseryeng Super Twins at ang role niya ay isang pulis at kaibigan ni Camille Prats.

Incidentally, kasama rin sa Super Twins si Bianca King, former girlfriend ni Patrick and his current love na si Jennylyn Mercadoº who plays the title role together with qNadine Samonte_.
* * *
May bomba raw na pasasabugin si Ogie Alcasid_ sa June. Ayaw niyang ihayag pa nang mag-guest siya sa Startalk_. O siya, be sure na explosibo ang kanyang ihahayag at hindi iyong isyung alam na ng lahat. — REMY UMEREZ

vuukle comment

BEAUTIFUL BOXER

BIANCA KING

CAMILLE PRATS

JENNYLYN MERCADO

LEA SALONGA

SUPER TWINS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with