^

PSN Showbiz

Erik, gustong kunan si Rufa Mae ng hubad

-
Ang ‘pambansang bestpren ni Budong’ na si Jomar Aquino pala ang gaganap na young Rayver Cruz sa anime series na Rounin’ na nakatakdang umere sa Abril, pagkatapos ng Maging Sino Ka Man.

Inamin mismo sa amin ng taga-ABS-CBN na last minute ay naisip nilang si Jomar ang gumanap bilang batang Rayver dahil malakas ang impact nito sa viewers bilang bestpren ni Makisig Morales sa fantaseryeng Super Inggo na magtatapos na ngayong gabi, Biyern"es.

"‘Yung kasing unang nakuhang gaganap na young Rayver, walang dating, hindi siya nagmamarka sa tao kaya naisip si Jomar since kilala na siya, kaya pinatapos muna siyang mag-taping ng Super Inggo bago siya pinag-taping ng Rounin’ and hopefully by April, airing na siya, true na ’yun.

"May mga ni-reshoot kasing eksena na hindi maganda nung na-preview tapos nadagdag pa itong si Jomar, so natagalan talaga. At bago siya umere, ipapalabas ang one-week episode sa lahat ng SM Cinemas ng libre," kuwento sa amin ng taga-lackDos.

Mukhang sinuwerte si bestpren Jomar kasi bukod sa Rounin’ —ay co-host din siya nina Sarah Geronimo= at Makisig sa Little Big Superstar na umpisa na ngayong Sabado.
* * *
Mukhang boto si Ms. Veronique del Rosario-Corpusah kay Sam Milby for Anne Curtis dahil nung kunan namin ng reaksyon ang manager ng aktres tungkol sa magandang relasyon ngayon ng magka-loveteam sa _Maging Sino Ka Man ay napangiti ito at, "Okey si Sam, mabait naman siya, mukhang maaalagaan naman ni_ya si Anne. Teka, sila na ba?" sabay tanong sa amin na sinagot namin ng ‘oo’.
* * *
Isang pam-professional na digital camera ang Christmas present ni Rufa Mae Quinto sa kanyang boyfriend na si Erik Santos at plano ng binatang singer ay kukunan niya ng ‘nude’ ang kanyang sexy-comedienne girlfriend at idi-display niya sa kanyang kwarto ang mga ito.

"Kaya nag-iisip po ako kung anong magandang pose ang bagay kay Peachy (tawag niya kay Rufa Mae), kasi gusto ko maganda at kakaiba," pilyong sabi ni Erik.

Inamin ng binata na seloso siya lalo’t super-sexy ang mga damit na i_sinusuot ng girlfriend niya at madalas na ito ang dahilan ng kanilang sagutan na nauuwi naman kaagad sa lambingan.

"Tulad po sa pictorial namin sa repeat ng When Erik Met Rufa, e, medyo daring ‘yung gown na suot niya, sabi ko, baka gusto naman niyang takpan ng konti, kasi sobrang sexy, labas na halos lahat, e, maraming diskusyon. Umokey naman sa huli," kwento ng alaga ni *Boy Abunda.

Samantala, co-prod pa pala si Erik sa When Erik Met Rufa The Repeat..to the Max na gaganapin sa Aliw Theater sa February 16 ay taliwas sa sinabi ni Rufa Mae sa solo presscon niya na hindi na niya isinama ang boyfriend sa pagpo-produce ng repeat dahil ayaw niyan_g guluhin pa ang utak nito.

"Kasama po ako, ‘yun nga lang, mas malaki ang share ni Peachy, mga 70%, akin ‘yung 30% kaya siguro sabi niya solo niya," esplika ng binata. -REGGEE BONOAN

JOMAR

MAGING SINO KA MAN

NIYA

ROUNIN

RUFA MAE

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with