Walang anak pero, tatay sa mga kapatid niya
February 8, 2007 | 12:00am
Kasama si Ian de Leon sa cast ng Super Twins, ang bagong drama-adventure ng GMA-7 na magsisimulang mapanood sa Lunes, sa Telebabad block. Ginagampanan niya ang role ni Manuel, ama ng kambal na sina Sha-sha at Tin-tin.
Kakaibang challenge kay Ian ang ginagampanang role dahil wala pa siyang anak in real life, pero para na rin siyang tatay dahil sila ng kapatid niyang si Lotlot de Leon ang nag-aalaga at sumusuporta sa mga kapatid nila. In fact, sa presscon ng nabanggit na show, kasama nito ang kapatid na si Kenneth na mag-aartista na rin at papasok sa isa sa mga show ng Ch. 7.
Unang regular show ni Ian sa Siete ang ST at napasok siya rito sa tulong ng bago niyang manager na si Malou Choa-Fagar. He’s making up for the lost time dahil matagal din siyang nawala sa eksena. Nag-buy and sell siya at nag-show sa Japan habang wala sa showbis, pero nang dumating ang show, ‘di na niya pinalampas.
"Sobrang exciting working with Ch. 7 dahil pinansin nila ako. Tinanong ako ni Tita Malou kung serious ako at in-assure ko siyang magpapaka-propesyonal ako. Second chance ko na ito at aalagaan ko. It’s about time to be serious and love my craft," sabi nito.
Napa-"heto na" si Ian nang kumustahin si Nora Aunor. Okey daw ang ina niya at last silang nag-usap sa phone, last Christmas. Kung matutuloy ang series of shows nila sa April with his siblings, magkakaroon sila ng reunion.
"She’s doing well at ang dami niyang shows. Nagti-text kami at ‘pag ‘di ako makatulog, tini-text ko siya. She handles things very well inspite of what happened to her," patungkol nito sa ina na matagal na rin niyang ‘di nakikita.
Ibang-iba ang atake ni Eula Valdez sa role ni Jo Alicante sa ginawa ni Laurice Guillen sa unang TV version ng Maria Flordeluna. Based sa radio show ang ginawa ng ABS-CBN at kailangan niyang ibahin ang atake niya bilang madrasta nina Maria Flordeluna (Eliza Pineda) at Rene Boy (Nash Aguas).
Hindi rin niya sinobrahan ang acting at kung ano lang ang nasa script at kung ano ang hiningi ni Direk Jerry Sineneng, ang kanyang ibinigay.
Natatawa si Eula dahil sa Maria Flordeluna lang uli siya may love scene, kaya pinaghandaan niya. Nagbibirong ipinagmalaki nitong at her age, kaya pa niyang makipag-love scene kina Albert Martinez at John Estrada.
Puring-puri ni Eula ang mga childstar na kasama niya rito. Ang gagaling daw nina Eliza, Nash at Kristel Fulgar na gaganap na kanyang anak. ‘Pag nakikita niya ang una, naalala niya si Lorna Tolentino noong bata pa’t kamukha nito.
Matitigil na siguro ang pagli-link kina Alessandra de Rossi at Jay-R dahil ang huli na ang nagsabing walang katotohanan ang tsikang nililigawan niya ang actress. May non-showbiz gf nga naman siya for eight years na at mukhang ito ang gustong pakasalan.
Myra Eliza Calove ang name ng gf ni Jay-R na sabi nito, nagseselos sa mga nali-link sa kanya at pinakagrabeng nagselos kay Gwen Garci na ‘di rin niya alam kung bakit sila na-link.
Natawa pa kami sa sinabi nitong kaya ayaw niyang mag-gf ng artista dahil malas.
Ipinaalala pala ni Jay-R ang soft opening at press night ng Rock Candy Bar sa Glorietta 2 sa February 21. Sosyo sila ni Dee Augenwald sa bar na hopefully, maging "in" place sa Makati City.
– NITZ MIRALLES
Kakaibang challenge kay Ian ang ginagampanang role dahil wala pa siyang anak in real life, pero para na rin siyang tatay dahil sila ng kapatid niyang si Lotlot de Leon ang nag-aalaga at sumusuporta sa mga kapatid nila. In fact, sa presscon ng nabanggit na show, kasama nito ang kapatid na si Kenneth na mag-aartista na rin at papasok sa isa sa mga show ng Ch. 7.
Unang regular show ni Ian sa Siete ang ST at napasok siya rito sa tulong ng bago niyang manager na si Malou Choa-Fagar. He’s making up for the lost time dahil matagal din siyang nawala sa eksena. Nag-buy and sell siya at nag-show sa Japan habang wala sa showbis, pero nang dumating ang show, ‘di na niya pinalampas.
"Sobrang exciting working with Ch. 7 dahil pinansin nila ako. Tinanong ako ni Tita Malou kung serious ako at in-assure ko siyang magpapaka-propesyonal ako. Second chance ko na ito at aalagaan ko. It’s about time to be serious and love my craft," sabi nito.
Napa-"heto na" si Ian nang kumustahin si Nora Aunor. Okey daw ang ina niya at last silang nag-usap sa phone, last Christmas. Kung matutuloy ang series of shows nila sa April with his siblings, magkakaroon sila ng reunion.
"She’s doing well at ang dami niyang shows. Nagti-text kami at ‘pag ‘di ako makatulog, tini-text ko siya. She handles things very well inspite of what happened to her," patungkol nito sa ina na matagal na rin niyang ‘di nakikita.
Hindi rin niya sinobrahan ang acting at kung ano lang ang nasa script at kung ano ang hiningi ni Direk Jerry Sineneng, ang kanyang ibinigay.
Natatawa si Eula dahil sa Maria Flordeluna lang uli siya may love scene, kaya pinaghandaan niya. Nagbibirong ipinagmalaki nitong at her age, kaya pa niyang makipag-love scene kina Albert Martinez at John Estrada.
Puring-puri ni Eula ang mga childstar na kasama niya rito. Ang gagaling daw nina Eliza, Nash at Kristel Fulgar na gaganap na kanyang anak. ‘Pag nakikita niya ang una, naalala niya si Lorna Tolentino noong bata pa’t kamukha nito.
Myra Eliza Calove ang name ng gf ni Jay-R na sabi nito, nagseselos sa mga nali-link sa kanya at pinakagrabeng nagselos kay Gwen Garci na ‘di rin niya alam kung bakit sila na-link.
Natawa pa kami sa sinabi nitong kaya ayaw niyang mag-gf ng artista dahil malas.
Ipinaalala pala ni Jay-R ang soft opening at press night ng Rock Candy Bar sa Glorietta 2 sa February 21. Sosyo sila ni Dee Augenwald sa bar na hopefully, maging "in" place sa Makati City.
– NITZ MIRALLES
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended