^

PSN Showbiz

After Pauleen, si Angel ang gustong ligawan ni Marvin

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Magkasama sina Marvin Agustin at Angel Locsin sa Asian Treasures at di ipinagkakaila ng aktor na matindi rin ang paghanga niya sa aktres. May balita nga na type ring ligawan ni Marvin si Angel matapos siyang makipaghiwalay kay Oyo Boy Sotto at siya namang pagbi-break-up nila ni Pauleen Luna.

Kaso, pahinga muna sa pag-ibig si Angel at kung siya ang tatanungin, mas bagay si Marvin at Pauleen. Yun nga lang di nag-work out ang kanilang relasyon.
Panahon ngayon ni Faith
Isa si Faith Cuneta sa pinakamabait na singer na nakilala namin. Anytime na imbitahin namin siya sa aming party sa Solar Entertainment ay laging andun siya. Natutuwa kami sa tagumpay na inaani nito sa kasalukuyan dahil sa dami ng award na natanggap sa loob at labas ng bansa.

Siya ngayon ang bagong diva ng Viva Records at proud siya dahil puro malalaking singer ang produkto nito gaya nina Regine Velasquez at Sharon Cuneta.

Enjoy kami nang mapakinggan ang ilang awitin sa launching nito na nakapaloob sa latest live album titled "Faith Begins" gaya ng paborito naming "I"ll Be Seeing You" at "This Girl’s In Love With You" sa saliw ng orchestra. Ang single carrier ng kanyang album ay "Come What May" ng Air Supply.

Sa Araw ng mga Puso ay makakasama niya sina Paul Williams at Dennis Lambert sa Araneta Coliseum. Pangarap ng magaling na singer na magkaroon ng solo concert sa Araneta Coliseum balang araw.
Blind Item: Aktres at Pulitiko, tuloy pa rin!
May nakapagsyete sa akin na kaya pala hanggang ngayon ay living in style pa rin ang sikat na aktres na ito, da hil tuloy pa rin daw ang relasyon nito sa isang superyamang pulitiko.

May nobyo ito pero ginagamit lang na front ayon pa sa aking source para mabura na sa isipan ng mga tao ang pakikipagrelasyon nito sa isang pulitiko na nagbigay sa kanya ng negosyo.

Kahit wala itong pelikula at TV shows lang ang pinagkakakitaan ay mataas ang lifestyle nito dahil hindi pa rin sila naghihiwalay ng pulitiko kahit may pagka-palikero ito kung saan balitang bukod sa aktres ay may iba pa itong karelasyon.

vuukle comment

AIR SUPPLY

ANGEL LOCSIN

ARANETA COLISEUM

ASIAN TREASURES

BE SEEING YOU

BLIND ITEM

COME WHAT MAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with