^

PSN Showbiz

Roderick, kakandidato rin sa Bicol

-
Kakandidato raw si Roderick Paulate sa bayan niya sa Bikol?

Tsika sa amin ng taong nakakuwentuhan ni Kuya Dick na marami raw ang humihimok sa kanyang kumandidato sa sarili niyang bayan dahil tiyak daw na winner na siya.

"Actually, matagal nang may offer kay Roderick para tumakbong Vice-Mayor at Congressman noon pa, pero hindi niya tinatanggap kasi ayaw niyang maintriga na naman, di ba nga, nilalait ang mga artista?

"E, this time, mukhang hindi siya makakatanggi kasi grabe na ang pakiusap sa kanya.

"Nakakatuwa nga, kasi pati rito sa Quezon City, may offer sa kanya na tumakbo rin for councilor, kaya ang lolo mo, hayun, kung sinu-sino ang tinatanong kung ano ba talaga.

"Kaming mga kaibigan niya, ibinigay namin ang pros and cons at kung anuman ang desisyon niya, suportado namin siya hanggang sa dulo.

"Sabi nga namin, maski naman wala siya sa pulitika ay marami siyang natutulungan, siguro nga kapag nasa puwesto siya, baka mas marami na kasi may budget na siya.

"Definitely, hindi ‘yan mangungurakot, e, marami na siyang naipundar ‘no?" mahabang kuwento sa amin ng kaibigan ng komedyanteng aktor.

In fairness naman to Kuya Dick ay hindi naman siguro siya masasabihang ‘bobo o walang alam’ dahil graduate naman ito sa UP years ago.

Any comment from Roderick?
* * *
Napanood namin ang concert nina Piolo Pascual at Sam Milby.

Doon lang namin nalaman na hindi lang pala mga tinedyer at kadalagahan ang market nila, pati mga matrona.

Yes, matrona killer ang beauty ng dalawang heartthrob ng ASAP 07 at ang nakakaloka, pumipila ang mga ito sa aisle para lang makahalik kina Piolo at Sam.

SRO (standing room only) ang two-night concert ng dalawang aktor kaya naman may repeat sila by March 17 sa Aliw Theater, iba ba ang nationwide tour nila na ang kick-off ay sa Cebu Waterfront?

Maganda ang boses ni Sam dahil buo, pero pansin namin na wala siyang feeling kumanta, unlike Piolo na punumpuno naman ng feelings at mega-emote pa, pero kinakapos naman, marahil ay pagod na pero ang mga taong nasa loob ng MM, lahat yumuyugyog sa kanila.
* * *
Masayang ibinalita ng City Officer ng Baguio City na si Ginoong Benedicto Alhambra na bilib siya sa aktor na si Robin Padilla dahil dumayo sa summer capital ng Pilipinas ang more than 30,000 turista para sa three-day prayer summit na tinawag ng mga kapatid na Muslim na Grand Johor convention.

Si Binoe ang pinaka-guest sa nasabing event na ayon na rin kay Mr. Alhambra raw ang kauna-unahang major Muslim assembly na ginanap sa nasabing bayan.

Inamin din ng City Officer na bagama’t ang Baguio ang parating tourist destination ay hindi pa umaabot sa 30,000 sa isang puntahan lang kaya naman abut-abot ang pasalamat nila kay Robin dahil malaking tulong ang event na ito para sa mga kababayang taga-Baguio para na rin sa mga negosyo nila.

Si Bedejim Abdullah ang local Islamic scholar ay nagpahayag na ang nasabing event ay isa lang sa mga oriented projects for Baguio. – REGGEE BONOAN

vuukle comment

ALIW THEATER

BAGUIO CITY

CEBU WATERFRONT

CITY OFFICER

GINOONG BENEDICTO ALHAMBRA

KUYA DICK

NAMAN

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with