Wala sa plano ni Sharon ang pulitika
February 5, 2007 | 12:00am
Salamat sa Diyos sa matagumpay na selebrasyon ng ika-10 anibersaryo ng Master Showman nung nakaraang Sabado.
Literal na wala kaming tulugan dahil talagang inumaga na kami sa rami ng mga malalaking artista na nakisaya sa anibersaryo ng programa.
Kaya lubos na pasasalamat at pasensiya ang aking sambit upang ma-acommodate ang lahat ng stars na dumalo kaya nag-overtime talaga kami.
Muli, salamat sa lahat nang dumating, pero kung akala nyong bongga na ito, abangan pa nyo ang darating na Sabado, ang huling linggo ng anibersaryo ng Master Showman. Higit pa itong makulay at masaya bilang bahagi ng isang dekadang pasasalamat ng Walang Tulugan.
Sa wakas, nagkatugma rin ang schedule namin ni Megastar Sharon Cuneta.
At sa tagal nang hindi namin pagkikita ay talagang na-miss namin ang isat isa kaya napahaba ang aming kuwentuhan.
Hanggang ngayon ay marami pa rin ang nag-aabang kay Sharon kung papasok siya ng pulitika.
Sabi ni Shawie, hindi na siya dapat tinatanong sa bagay na ito, kahit pa meron talagang naghihimok at nag-aalok sa kanya.
Hindi naman kataka-taka na abangan ng publiko ang bagay na ito dahil nasa dugo naman ni Sharon ang pulitika.
Pero ang sagot nga ni Shawie, tama na raw ang kanyang ama na minsang naging mayor at ang kanyang asawa, sa linya ng pulitika.
Abala ngayon si Sharon sa paghahanda sa pelikulang kanyang gagawin sa taong ito.
Nakalinya na ang Star Cinema, Unitel at GMA Films at mayron pa siyang shows sa abroad.
Samantala, masayang ibinalita ni Sharon na isang taon na lang at magtatapos na si KC sa kanyang pag-aaral. Alam naman natin na ito ang pangarap ni Sharon sa kanyang mga anak, lalo na kay KC. Payo nga ni Sharon sa anak na tapusin muna ang pag-aaral, dahil hindi naman maikakaila na ipinanganak si KC para maging malaking star dahil sa angking ganda at talino nito.Pero inuna niya ang pag-aaral alam ni KC ang kanyang priority sa buhay.
Successful ang dalawang gabing shows nila Sam Milby at Piolo Pascual sa Music Museum.
Dinumog sila hindi lang ng mga kapamilya kundi maging ng kani-kanilang fans. Hindi kataka-katang magkaroon ito ng repeat dahil sa marami pa ang gustong manood pero hindi nakapasok dahil sa wala nang ticket.
Mabuti naman at di nakaapekto sa kanilang concert ang negatibong isyu na ipinupukol sa kanila.
Wala namang nagpamalas ng malisya sa kanilang pagsasama sa show kaya sana naman ay tigilan na ang intriga sa kanila.
Ngayon pa lang ay nagbabadya na ng tagumpay ang show ni Vina Morales na Showgirl dahil sa magandang ticket sales nito sa Araneta Colisuem.
Kahit ang mga nakapanood sa unang Showgirl ay bumili pa rin ng ticket para sa kanyang repeat concert.
Pero sinisiguro ni Vina na mas maganda ang kanyang show ngayon.
Salamat naman at walang epekto ng negatibong kabalbalan ng isang DJ Mo.
Dobleng excited din si Vina sa kanyang first teleseryeng Maria Flordeluna bilang isa sa lead role. Kahit maikli lang, markado naman ang kanyang role na tatatak sa isipan ng manonood.
Umaasa si Vina na pagbalik niya mula sa kanyang mga shows sa abroad ay magkaroon ng resulta ang kanyang magandang role sa Flordeluna at bigyan na siya ng sarili niyang teleserye.
Bakit naman hindi, eh isa si Vina sa dekalibreng aktres na maipagmamalaki natin ngayon.
Totoo bang may balikan blues sa pagitan nila Richard Gutierrez at Angel Locsin hindi lang sa harap ng screen kundi mismo sa pribado nilang buhay.
Mukhang nakaramdam sila ng kakaibang bugso ng damdamin pagkatapos ng kanilang kissing scene sa pelikula nilang The Promise.
Marami ang nakakapansin sa kakaibang sweetness at closeness nila ngayon.
Malay natin sabi nga nila its sweeter the second time around dahil naudlot ang sinasabing relasyon nila noon.
Dama ko ang lungkot at saya ng pagtatapos ng Atlantika nila Dingdong Dantes at Iza Calzado at maging ng ibang cast.
Hindi nga biro ang anim na buwan nilang pagsasama-sama sa Atlantika na parang isang pamilya.
Lalo na sa parte ni Dingdong na halos babad na babad sa tubig.
Pero sabi nga, sa bawat pagtatapos siguradong may bagong yugto na aabangan.
Literal na wala kaming tulugan dahil talagang inumaga na kami sa rami ng mga malalaking artista na nakisaya sa anibersaryo ng programa.
Kaya lubos na pasasalamat at pasensiya ang aking sambit upang ma-acommodate ang lahat ng stars na dumalo kaya nag-overtime talaga kami.
Muli, salamat sa lahat nang dumating, pero kung akala nyong bongga na ito, abangan pa nyo ang darating na Sabado, ang huling linggo ng anibersaryo ng Master Showman. Higit pa itong makulay at masaya bilang bahagi ng isang dekadang pasasalamat ng Walang Tulugan.
At sa tagal nang hindi namin pagkikita ay talagang na-miss namin ang isat isa kaya napahaba ang aming kuwentuhan.
Hanggang ngayon ay marami pa rin ang nag-aabang kay Sharon kung papasok siya ng pulitika.
Sabi ni Shawie, hindi na siya dapat tinatanong sa bagay na ito, kahit pa meron talagang naghihimok at nag-aalok sa kanya.
Hindi naman kataka-taka na abangan ng publiko ang bagay na ito dahil nasa dugo naman ni Sharon ang pulitika.
Pero ang sagot nga ni Shawie, tama na raw ang kanyang ama na minsang naging mayor at ang kanyang asawa, sa linya ng pulitika.
Abala ngayon si Sharon sa paghahanda sa pelikulang kanyang gagawin sa taong ito.
Nakalinya na ang Star Cinema, Unitel at GMA Films at mayron pa siyang shows sa abroad.
Samantala, masayang ibinalita ni Sharon na isang taon na lang at magtatapos na si KC sa kanyang pag-aaral. Alam naman natin na ito ang pangarap ni Sharon sa kanyang mga anak, lalo na kay KC. Payo nga ni Sharon sa anak na tapusin muna ang pag-aaral, dahil hindi naman maikakaila na ipinanganak si KC para maging malaking star dahil sa angking ganda at talino nito.Pero inuna niya ang pag-aaral alam ni KC ang kanyang priority sa buhay.
Dinumog sila hindi lang ng mga kapamilya kundi maging ng kani-kanilang fans. Hindi kataka-katang magkaroon ito ng repeat dahil sa marami pa ang gustong manood pero hindi nakapasok dahil sa wala nang ticket.
Mabuti naman at di nakaapekto sa kanilang concert ang negatibong isyu na ipinupukol sa kanila.
Wala namang nagpamalas ng malisya sa kanilang pagsasama sa show kaya sana naman ay tigilan na ang intriga sa kanila.
Kahit ang mga nakapanood sa unang Showgirl ay bumili pa rin ng ticket para sa kanyang repeat concert.
Pero sinisiguro ni Vina na mas maganda ang kanyang show ngayon.
Salamat naman at walang epekto ng negatibong kabalbalan ng isang DJ Mo.
Dobleng excited din si Vina sa kanyang first teleseryeng Maria Flordeluna bilang isa sa lead role. Kahit maikli lang, markado naman ang kanyang role na tatatak sa isipan ng manonood.
Umaasa si Vina na pagbalik niya mula sa kanyang mga shows sa abroad ay magkaroon ng resulta ang kanyang magandang role sa Flordeluna at bigyan na siya ng sarili niyang teleserye.
Bakit naman hindi, eh isa si Vina sa dekalibreng aktres na maipagmamalaki natin ngayon.
Mukhang nakaramdam sila ng kakaibang bugso ng damdamin pagkatapos ng kanilang kissing scene sa pelikula nilang The Promise.
Marami ang nakakapansin sa kakaibang sweetness at closeness nila ngayon.
Malay natin sabi nga nila its sweeter the second time around dahil naudlot ang sinasabing relasyon nila noon.
Hindi nga biro ang anim na buwan nilang pagsasama-sama sa Atlantika na parang isang pamilya.
Lalo na sa parte ni Dingdong na halos babad na babad sa tubig.
Pero sabi nga, sa bawat pagtatapos siguradong may bagong yugto na aabangan.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended