^

PSN Showbiz

Maraming talino, kakaunting trabaho

-
Isa na sa pinakamasuwerte sa pagpasok sa taong ito ay ang dating Bb. Pilipinas 1979, na si Maria Isabel Lopez dahil dala-dalawang project agad ang kanyang pinagkakaabalahan. Ito ay ang I-Ayeng, sa direction ni Ed Palmos. Period movie ito during ex-President Marcos regime. Mga manggagawa sila dito sa La Trinidad Valley at hipag naman niya rito si Alessandra de Rossi.

Ang isa naman ay under Wordstar Production ni Governor Chavit Singson ang Barang kasama si Liza Lorena, Jacklyn Jose at anak ni Maribel dito si Jay Manalo sa direksyon ni Buboy Tan.

Sa loob ng 25 taon sa industriyang ito ng dating beauty queen, labis itong nalulungkot dahil, marami ang mga baguhan sa ngayon pero, ‘di maganda ang timing at wala masyadong movies.

"Bale, more on appearances at stage ka lang. Kasi, kakaunti ang movie na sinu-shoot. Hindi katulad noong mga nakaraang dekada, kapag sinabing artista o sexy star ka, may proyekto, title role o may launching movie ka. Ngayon, parang wala masyadong producer, nakakalungkot. Gumanda sana ang movie industry natin.

"Matira ang matibay sa ngayon. There’s so much talent, konti ang work. So, you have to really prove yourself! Otherwise, isa ka lang sa magiging fly-by-night stars na dumaan ka lang and you don’t really make a mark!" – Bing Adorna

BING ADORNA

BUBOY TAN

ED PALMOS

GOVERNOR CHAVIT SINGSON

JACKLYN JOSE

JAY MANALO

LA TRINIDAD VALLEY

LIZA LORENA

MARIA ISABEL LOPEZ

PRESIDENT MARCOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with