Faith, prized catch ng Viva
February 4, 2007 | 12:00am
Dati ay pakanta-kanta lamang si Faith Cuneta ng mga theme songs ng mga Koreanovela na mas sumikat ang mga kanta kesa sa kanya. Di naman nakapagtataka dahil kanta lamang ang naririnig, di nakikita ang kumakanta. Kaya marami ang nagugulat kapag nakita siyang kumakanta ng mga sikat na kanta niya, mga awiting nagbigay sa kanya ng titulong Asian Novela Diva.
May bago siyang album sa Viva na naglalayong ipamalas ang kanyang talino sa pagkanta, isang major recording artist na di lamang karapat dapat na marinig kundi mapanood din!
Pinamagatang "Faith Begins", nagtataglay ito ng 18 track selection ng mga awiting sumikat nung di pa siya isinisilang hanggang sa kasalukuyang panahon "No Other Love", "Ill Be Seeing You", "Sealed With a Kiss", "This Girls In Love With You" at isang duet sa isang jazz singer na si Arthur Manuntag na inareglo ng isang jazz great na nagngangalang Colby dela Cuesta na siya ring producer ng album.
May version din si Faith ng "What Kind of Fool" ni Barbra Streisand at Barry Gibb, "Something In Your Eyes" ni Dusty Springfield, "If" ng Bread, "In My Life" ni Patti Austin at marami pang iba.
May duet sila ni Mark Bautista ng "Unbreak My Heart". Inawit din niya sa album ang awiting nagbigay sa kanya ng gold medal sa 2006 World Championship for Performing Arts in Hollywood ang "One In A Million You"
Gustong iduplicate ni Sharon Cuneta ang tagumpay ng My Mega Valentine concert na ginawa niya last year sa pamamagitan ng isang sequel na gaganapin sa Feb. 10, 8NG, sa Araneta Coliseum.
Mukha namang matutupad ang mithiin niya via My Mega Valentine 2 lalot susuportahan siya ng APO at ni Pops Fernandez sa direksyon nina Louie Ocampo (musical) at Johnny Manahan (stage). Sina Fanny Serrano at Paul Cabral ang magpapaganda sa kanya.
Ang My Mega Valentine ay produced ng Artist House at para sa tiket, tumawag sa 9ll5555/8174660/862496.
Last time na narinig ko ang pangalang Dr. Felix Cantal ay nung tumakbo itong congressman sa Maynila. Mag-i-eleksyon na naman at tatakbo naman daw itong mayor ng Maynila pero bago ito ay mayron siyang pelikulang prinodyus na ipalalabas bago mag-eleksyon. Ito ang Shut Up, Imemorize Mo Yan, isang police story na ginawang isang comedy. Starring dito ang mag-amang Paquito at Joko Diaz at ang PBB champion na si Keanna Reeves. Direktor si Vic Belaro. isang datihan nang pangalan sa industriya ng pelikula.
Hindi first directorial ito ni G. Belaro na naniniwala na maari pa ring bumangon ang industriya sa pamamagitan ng mga low cost but high quality films, at hindi digital.
Ang Shut Up ay produced ng Starboard Films.
[email protected]
May bago siyang album sa Viva na naglalayong ipamalas ang kanyang talino sa pagkanta, isang major recording artist na di lamang karapat dapat na marinig kundi mapanood din!
Pinamagatang "Faith Begins", nagtataglay ito ng 18 track selection ng mga awiting sumikat nung di pa siya isinisilang hanggang sa kasalukuyang panahon "No Other Love", "Ill Be Seeing You", "Sealed With a Kiss", "This Girls In Love With You" at isang duet sa isang jazz singer na si Arthur Manuntag na inareglo ng isang jazz great na nagngangalang Colby dela Cuesta na siya ring producer ng album.
May version din si Faith ng "What Kind of Fool" ni Barbra Streisand at Barry Gibb, "Something In Your Eyes" ni Dusty Springfield, "If" ng Bread, "In My Life" ni Patti Austin at marami pang iba.
May duet sila ni Mark Bautista ng "Unbreak My Heart". Inawit din niya sa album ang awiting nagbigay sa kanya ng gold medal sa 2006 World Championship for Performing Arts in Hollywood ang "One In A Million You"
Mukha namang matutupad ang mithiin niya via My Mega Valentine 2 lalot susuportahan siya ng APO at ni Pops Fernandez sa direksyon nina Louie Ocampo (musical) at Johnny Manahan (stage). Sina Fanny Serrano at Paul Cabral ang magpapaganda sa kanya.
Ang My Mega Valentine ay produced ng Artist House at para sa tiket, tumawag sa 9ll5555/8174660/862496.
Hindi first directorial ito ni G. Belaro na naniniwala na maari pa ring bumangon ang industriya sa pamamagitan ng mga low cost but high quality films, at hindi digital.
Ang Shut Up ay produced ng Starboard Films.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended