YENG, pinag-aagawan nina RJ at Jay-R
February 3, 2007 | 12:00am
Gaano katotoo na galit ang ilang staff ng Dream Big Productions kay RJ Tuesday Jimenez dahil nangungulit daw ito kay 1st Grand Star Dreamer, Yeng Constantino?
Ayon sa tsika sa amin ng taga DBP ay, "iritable na ang mga bossing namin dyan kay RJ kasi walang ginawa kundi buntutan si Yeng maski saan shows, e, hindi naman pupuwede yun ateng, siyempre nagta-trabaho ang bagets, tapos heto ang RJ, kung anik-anik ang sinasabi kay Yeng.
"Alam naman niya kung ano ang plano ng Dream Big Productions kay Yeng at sa kanya (RJ), pero hindi siya sumusunod.
"Acoustic ang packaging ni RJ at solo artist siya, bakit kailangan niyang bumuntot ng bumuntot kay Yeng?"
Inalam naman namin sa isang bossing ng Dream Big Productions kung aware ba sila sa pangungulit ng "best friend" ni Yeng?
"Nakarating sa amin ang balita at nakikita nga namin na naroon nga siya, nung una, okey lang, pero dumadalas, so hindi na tama kasi nai-istorbo yung trabaho ng Top 6," kuwento sa amin.
Hindi kaya nakaramdam na ng selos itong si RJ kay Jay-R Siaboc, Jr. na balita namin ang nagpapalipad hangin na kay Yeng?
Nabanggit kasi sa amin ng isa ring staff ng Pinoy Dream Academy na matagal ng may tama ang 1st runner-up ng PDA sa dalaga at hindi lang ito pinapansin dahil nga kay RJ.
Pero in fairness sa ilang mall shows nila, gustung-gusto ng fans sina Jay-R at Yeng bilang loveteam, huh!?
Saan ka nga naman lulugar pa, RJ?
Napagalitan pala ng bossing ng ABS-CBN ang organizer kay Dinagyang Festival sa Iloilo dahil hindi ito naging organisado sa pagtawag sa guest performers.
Dahil sa kapalpakan ng nasabing organizer ay ang Star Magic talent na si Matt Evans ang sinisisi raw ng kampo ni Sunshine Dizon dahil nabastos ang aktres.
Bagamat nag-sorry naman sa TV Patrol World ang nasabing organizer dahil hindi naman daw nila sadya at maging ang bida ng Komiks Presents: D Adventures of Pedro Penduko ay humihingi na rin ng dispensa kay Sunshine sa ere ay tila hindi pa rin tumitigil ang kampo ni Sunshine alyas Bakekang dahil araw-araw pa ring may write-up against Matt. Reggee Bonoan

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended