^

PSN Showbiz

Christian, Rachelle Ann, nagkakalabuan?

ISYU AT BANAT - ISYU AT BANAT Ni Ed De Leon -
Natatandaan ba ninyo yong naikuwento namin sa inyo minsan na immigration lawyer sa LA na nakatulong ng malaki sa mga artistang Pilipinong nagtungo roon, si Atty. Jemela Nettles? Umuwi siya rito sa Pilipinas last week at nakausap namin siya. Ang dami nga raw mga artistang tumatawag sa kanya, at lahat ay interesadong malaman kung matutulungan din silang makapag-migrate sa US.

Sumikat talaga sa showbusiness si Atty. Nettles matapos niyang matulungan sina April Boy Regino, Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza, at pati pala si Miguel Vera siya rin ang nag-asikaso ng papeles para maging immigrant na roon.

Sabi nga ni Atty. Nettles, nagtataka siya kung bakit ngayon napakaraming Pilipino ang gusto nang magpunta sa US. Totoo na maraming job opportunities doon at maraming trabaho na ayaw kasing gawin ng mga Kano, kaya nakukuha ng mga Pinoy. Sa parte naman ng mga entertainers, napakarami nang Pinoy doon kaya in demand din ang mga singers at artista natin doon. Pero sabi nga niya, there is no place like home.

Kaya nga lang, dito naman kasi sa atin, halos walang trabaho ang mga artista ngayon. Noong nakaraang taon ni hindi umabot sa 50 pelikula ang nailabas.

Wala rin namang masyadong trabaho ang mga singers, dahil ayaw maglabas ng puhunan ng mga record producers dahil napipirata lang ang kanilang ginagawang CD. Iyan ang dahilan kung bakit lahat gusto na lang mag-abroad.

Nagulat nga kami nang banggitin sa amin ni Atty. Nettles ang pangalan ng isang sikat na aktor na gusto na rin daw mag-migrate sa US kasama ang kanyang pamilya. Nakakalungkot yan pero hindi mo sila masisisi.

Pero hindi lang mga artista ang tinutulungan ni Atty. Nettles ha. Kung gusto ninyo mag-e mail kayo sa kanya sa [email protected] o kaya sumulat kayo sa kanya sa address niya 700 S. Flower St.,Suite 1100, Los Angeles, CA 90017
* * *
Kaya pala parang matamlay si Rachelle Ann Go noong i-launch ang kanyang bagong album na "Obsession", nagkakalabuan na sila ng kanyang boyfriend na si Christian Bautista. Hindi maliwanag kung ano talaga ang dahilan, pero may sinasabing selos daw ang pinagmulan ng lahat. Sabi nila, nagselos daw si Rachelle sa pagiging masyadong close ni Christian sa isa nilang co-host sa isang show.

Sayang naman ano, matapos nilang umamin sa tv na in love sila sa isa’t isa, sa hiwalayan din sila mauuwi.

APRIL BOY REGINO

CHRISTIAN BAUTISTA

DINGDONG AVANZADO

FLOWER ST.

JEMELA NETTLES

JESSA ZARAGOZA

KAYA

LOS ANGELES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with