^

PSN Showbiz

Angel at Kristine type ni Cong. Chiz

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Kung si Gladys Guevarra pala ang tatanungin, gusto na niyang magkaanak. At gusto niyang maging ama ng kanyang anak ang dati niyang boyfriend na internal medicine doctor na si Dr. Agtay.

Kaya lang, hindi pa sila officially nagri-reconcile. Pero nag-uusap na sila at ok na sila ulit after ng matagal-tagal nilang break-up.

Enjoy din daw kasi siya pag may boyfriend na doctor dahil hindi pa man daw nagkakasakit, nilalagyan na siya ng dextrose.

Hindi rin pala totoong nagpakasal na ang nasabing doctor sa ibang babae katulad nang nabalita noon. "Intriga lang ‘yung balitang nagpakasal na siya," Gladys said.

Wala naman daw girlfriend ang nasabing doctor kaya malaki ang chance na magkabalikan sila.

Siyempre, wala pa ring katapusan ang usapin tungkol sa kanila ni Janno Gibbs. "Na-misinterpret lang talaga nila ang tandem namin ni Janno. Saka bakit ko naman idi-deny kung naging kami ni Janno. I’ll be proud kung naging kami nga, kaso hindi.

"Hindi naman ako bibitiw sa Eat Bulaga dahil lang kay Janno. Hindi naman palapasok si Janno, so paano ko siya iiwasan? Saka di ko bibitawan ang career ko dahil lang kay Janno eh dun nanggagaling ang karamihan sa kita ko," sabi ni Gladys na mas kilala na ngayon bilang si Chuchay na character niya sa Magic Kamison na unang nakilala sa Eat Bulaga.

Sinabi na rin ni Gladys na hindi totoong inaway niya ang member ng EB Babes dahil sa selos kay Janno.

Wala rin daw sa kanilang problema ni Bing Loyzaga. In fact, last Christmas and New Year ka-text niya ito.

Anyway, bukod sa promo ng Magic Kamison busy siya sa kanyang pre-Valentine Concert on February 10 called Love Affair kasama sina Rico J. Puno at Ms. Vernie Varga sa Crowne Plaza Hotel, 7:30 p.m.

Nag-promise si Gladys na riot ang show na ito na produced ng Royale Era Entertainment ni Ms. Anabelle Rama.

Special guest sina Rufa Mae Quinto, Eric Santos at Sexbomb.
* * *
Fan pala nina Kristine Hermosa at Angel Locsin si Cong. Chiz Escudero. Sayang lang at taken na ang guwapong kongresista, or else baka, hiwalayan ni Kristine si Diether Ocampo. Hehehe!

Ideal man naman talaga itong si Cong. Chiz. At sa kabila pala ng kaseryosohan nito sa kanyang pagiging mambabatas sa Mababang Kapulungan, sus movie fan pala si Kong.

Kung wala rin nga lang daw itong trabaho at natataong nasa bahay lang at may chance manood ng TV, mga local shows ang pinanonood ni Cong. Chiz na confirmed na tatakbong senador sa election ayon sa friend naming malapit sa bagets na congressman.

"Naku ilang beses niya talagang pinanood ‘yung movie ni Kristine and Aga Muhlach. Kahit sa copy ng DVD ngayon pag wala siyang magawa, pinanonood niya talaga," pagbubuking ng friend ni Cong Chiz.

Memorize na nga raw nito ang kuwento ng movie at dialogue sa rami ng beses na napanood nito ang pelikulang All My Life.

Kaya lang, hindi kuntento sa isa itong si Kong ha. Type niya rin si Angel. Ang siste lang, hanggang tingin lang daw si Chiz dahil hindi na puwede. "Kilig siya pag napapanood si Angel sa TV. Para nga siyang bagets eh," tatawa-tawang sabi ng friend ni Chiz na ayaw pa sanang magkuwento.

Hay sayang. Kung nagkataon sanang single si Cong, puwedeng-puwede itong si Angel lalo na nga’t kaka-split lang nito sa boyfriend na si Oyo Sotto. Mending a broken heart ang actress though mukhang pinupunuan ngayon ng leading man niya sa pelikulang The Promise na si Richard Gutierrez ang sakit na nararamdaman after ng break up nila ni Oyo.

Anyway, ganun talaga. Hanggang kilig na lang si Cong Chiz.

Si Cong. Chiz ang kauna-unahang opposition candidate for senator ang nag-file ng candidacy last week.
* * *
Special birthday greetings to Fr. John John Dematera today, February 3, Mrs. Dolores Mulato on February 5 and Tita Deling Bustos last February 2. Greetings from my mother, Mrs. Rosalina Asis of Rizal, Sta. Elena, Camarines Norte.

AGA MUHLACH

CHIZ

CONG CHIZ

EAT BULAGA

GLADYS

JANNO

LANG

MAGIC KAMISON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with