^

PSN Showbiz

Malabo nang makuha ni Sarah ang ‘Dear Heart’

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Most probably may problema na sa tenga ang nagpapa-controversial na si DJ Mo Twister. Ha ha ha!

Kasi baka sa sobrang dami ng negative reactions na naririnig niya tungkol sa kanya, at nababasa na rin, nabingi na ang nasabing dj.

Kasi ba naman may nag-react sa sinabi niya sa isang interview na si Sarah Geronimo raw ang kino-consider niyang worst singer.

Ha! Well, pag ganun nga, malamang may problema siya sa tenga.

Ni hindi nga yata marunong kumanta itong dj na ‘to ng isang FM station. Tapos may karapatan pa siyang magsabi na may worst singer or actor and actress. The height!

Or nakapag-judge na ba siya sa isang singing contest or nanonood ba siya ng Tagalog films or television shows para mag-judge kung sino ang magaling na singer or actor?

Hay basta ako, hindi nakikinig ng radio program niya.

May nag-text lang ng mga sinabi niya.

‘Yun lang naman ang mas magandang solution, ‘wag makinig sa show niya.

In the first place, novelty lang naman ‘yan. One of these days, lahat ng mga sinasabi niyang nakikinig sa kanya ay magsasawa rin or magsasawa rin ang mga talk shows na patulan ang mga sinasabi niya. Pero ‘yung mga artistang naimbyerna niya at sinabihan ng mga kung anu-ano like Sam Milby, Piolo Pascual, Sarah among others andiyan pa at may career pa.

Well, ganun talaga. Sooner or later, mawawala rin sa eksena ang nasabing dj kahit na sabihin pang maraming nakikinig sa kanya ngayon.

By the way, dapat nga sigurong magpa-check up itong dj na ito baka tuluyan siyang mabingi. Kasi para next time na may mag-interview sa kanya, alam na niya ang sasabihin niya.

And by the way, napanood ko siya sa S Files last Sunday na nagbibigay ng opinion kasama si Ms. JoAnn Maglipon.

Wait, is he credible na magbigay ng opinion sa isang showbiz situation like JoAnn na common knowledge kung gaano kagaling na journalist?

I doubt it because matagal din naman siyang nawala sa showbiz.
* * *
Speaking of Sarah, call a friend din ang isang taong malapit sa kanya nang malaman ang mga sinabi ni Megastar Sharon Cuneta sa kanyang presscon for her concert tungkol sa plano ng Viva Films na pagri-remake ng Dear Heart.

Feel sad ako for Sarah dahil ganun na lang kung puri-purihin niya si Mega at parating sinasabi sa interview na aside from Regine Velasquez, sobrang idol daw niya si Sharon. Kaso ang siste, ang insinuation sa interview ni Mega, hangga’t maaari ayaw niyang ipagawa ang Dear Heart kung hindi rin lang kamukha nila ni Gabby Concepcion ang gaganap.

Meaning, hindi puwedeng gawin dahil hindi naman kamukha ni Sharon si Sarah at walang kamukha si Gabby sa local o kahit sa international actors natin na puwedeng mag-portray ng character ni Gabby.

Decided na kasi sana si Mr. Vic del Rosario na ang gawing launching movie ni Sarah ay ang Dear Heart at tina-target nila si John Lloyd Cruz na maging leading man. May line up na sana si Mr. Del Rosario ng mga artistang makakasama ni Sarah. Ngayong may sinabi si Shawie, ituloy pa kaya ang project ni Mr. Del Rosario?

Kung tutuusin dapat sinabi na lang ni Mega ‘yun kay Mr. Del Rosario nung ginawa pa lang ng pop diva ang Bituing Walang Ningning na ayaw niyang-i-remake or i-base sa Dear Heart ang susunod na project ni Sarah.

Sad lang dahil galing din sa Viva si Sharon habang si Sarah naman ang bini-build ng Viva ngayon.

Wait and see na lang tayo sa decision ng Star Cinema and Viva Films kung itutuloy pa o hindi ang Dear Heart for Sarah or hahanap na lang ng ibang project for her.
* * *
Salve V. Asis’ e-mail [email protected]

vuukle comment

DEAR HEART

KASI

LANG

MEGA

MR. DEL ROSARIO

NIYA

SARAH

VIVA FILMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with